Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Areopago”
  • Areopago

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Areopago
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Mars’ Hill
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Areopago
    Glosari
  • Dionisio
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Damaris
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Areopago”

AREOPAGO

[Hill of Ares; Mars’ Hill].

Isang burol sa KHK ng mataas na Akropolis ng Atenas, anupat sa pagitan ng mga ito ay may isang mababaw na libis. Ang makitid at tigang na tagaytay na ito ng batong-apog ay may taas na 113 m (370 piye), at ang Akropolis naman sa TS nito ay mas mataas pa nang 43 m (141 piye). Ang daanan paahon sa Mars’ Hill ay hindi matarik kung mula sa H ngunit napakatarik naman kung mula sa T. Ang burol na ito ay dating may Griegong mga altar, mga santuwaryo ng templo, at mga estatuwa. Dito rin mismo nagsesesyon noon ang korte suprema ng Areopago. Wala na ang lahat ng ito sa ngayon, anupat ang natitira na lamang ay ilang malalapad na upuan na inukit sa bato.

Sa isa sa mga pagdalaw ng apostol na si Pablo sa Atenas, pinigilan siya ng ilang taga-Atenas at dinala siya sa Areopago, na sinasabi: “Maaari bang malaman namin kung ano ang bagong turong ito na sinasalita mo? Sapagkat naghaharap ka ng ilang bagay na kakaiba sa aming pandinig.” (Gaw 17:19, 20) Bilang tugon, maingat na naglahad si Pablo ng magkakaugnay na matitibay na katotohanan anupat nakapagharap siya ng isang lohikal, kapani-paniwala, at nakakukumbinsing argumento. Hindi natapos ni Pablo ang kaniyang diskurso, sapagkat “nang marinig nila ang tungkol sa pagkabuhay-muli ng mga patay,” ang mga manlilibak ay nagsimulang mangutya. Ngunit bago pa man ito mangyari, napagbukud-bukod na ng apostol sa tatlong grupo ang kaniyang mga tagapakinig ayon sa kani-kanilang opinyon. Bagaman ang ilan ay nanlibak, at ang ilan ay nagsabing makikinig sila sa ibang pagkakataon, ang iba naman ay “naging mga mananampalataya, na kabilang din dito si Dionisio, isang hukom ng hukuman ng Areopago, at ang isang babae na nagngangalang Damaris, at ang iba pa bukod sa kanila.” (Gaw 17:22-34) Sa ngayon ay may isang plakeng bronse sa Mars’ Hill na nagpapaalaala ng pangyayaring ito at kababasahan ng diskursong iyon ng apostol na si Pablo. Hindi matiyak kung nagsalita si Pablo sa harap ng korte ng Areopago noong pagkakataong iyon, ngunit sa paanuman ay may isang miyembro ng bantog na korteng iyon na nakinig sa kaniya.​—LARAWAN, Tomo 2, p. 746.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share