DAMARIS
Isang babae na nakarinig sa diskurso ni Pablo sa Areopago (Mars’ Hill) sa Atenas at naging mananampalataya. (Gaw 17:33, 34) Posibleng hindi Griego si Damaris, dahil karaniwan nang laging nakabukod ang mga babae sa lipunan ng mga taga-Atenas. Yamang si Damaris lamang ang babaing binanggit, maaaring siya ay prominenteng tao. Walang makatuwirang saligan upang ipalagay na siya ay asawa ni Dionisio dahil lamang sa magkasama silang binanggit.