Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bani”
  • Bani

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bani
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Binui
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Maluc
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mesulam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Hasabias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bani”

BANI

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “magtayo”].

1. Isang Levita sa linya ni Merari, at ninuno ni Etan na inatasan ni David sa paglilingkod sa templo.​—1Cr 6:31, 44, 46.

2. Isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David, isang Gadita.​—2Sa 23:36.

3. Isang inapo ni Juda sa pamamagitan ni Perez, na ang mga inapo ay nanirahan sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon. (1Cr 9:3, 4) Posible na ang ulong ito ng pamilya ay siya ring Blg. 4 at 5 o 4 at 6.

4. Isang ulo ng pamilya na ang mga inapo, na mahigit na 600 ang bilang, ay bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel. (Ezr 2:1, 10) Tinatawag siyang Binui sa Nehemias 7:15.​—Tingnan ang Blg. 3.

5. Isang ulo ng pamilya, na ang anim sa mga inapo ay nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak noong panahon ni Ezra. Hindi siya ang Blg. 6.​—Ezr 10:29, 44; tingnan ang Blg. 3.

6. Isang ulo ng pamilya sa Israel na lumilitaw na may 12 inapo na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak noong mga araw ni Ezra. Hindi siya ang Blg. 5.​—Ezr 10:34, 44; tingnan ang Blg. 3.

7. Isang Levita na ang anak na si Rehum ay tumulong sa pagkukumpuni ng pader ng Jerusalem noong 455 B.C.E. Ihambing ang Blg. 8-10, 12.​—Ne 3:17.

8. Isang Levita na tumulong kay Ezra sa pagbabasa at sa pagpapaliwanag ng Kautusan sa bayan.​—Ne 8:7; 9:4, 5; tingnan ang Blg. 7.

9. Ang ikalawa sa dalawang Levitang nagngangalang Bani na nasa plataporma noong gawin ang hayagang pagtatapat ng mga kasalanan ng Israel noong 455 B.C.E.​—Ne 9:4.

10. Isang Levita na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” ni Nehemias sa pamamagitan ng tatak.​—Ne 9:38; 10:13.

11. Isa sa “mga ulo ng bayan” na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo rin sa “mapagkakatiwalaang kaayusan.”​—Ne 9:38; 10:14.

12. Isang Levitang inapo ni Asap na ang anak na si Uzi ay tagapangasiwa ng mga Levita sa Jerusalem noong mga araw ni Nehemias.​—Ne 11:22; tingnan ang Blg. 7.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share