MALUC
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “mamahala bilang hari”; o, “hari”].
1. Isang Meraritang Levita at ninuno ng Levitikong mang-aawit na si Etan.—1Cr 6:44-47.
2. Isa sa mga saserdote na sumama kay Zerubabel nang bumalik ang mga Judio mula sa pagkatapon sa Babilonya.—Ne 12:1, 2, 7.
3. Isang Israelita “sa mga anak ni Bani” na kabilang sa mga tumanggap ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong mga araw ni Ezra.—Ezr 10:29, 44.
4. Isang Israelita “sa mga anak ni Harim” na kabilang sa mga kumuha ng mga asawang banyaga ngunit nagpaalis sa mga ito noong panahon ni Ezra.—Ezr 10:31, 32, 44.
5. Isa sa mga saserdote, o ninuno ng isang saserdote, na nagpatotoo sa pamamagitan ng tatak sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na ginawa noong mga araw ni Nehemias.—Ne 9:38–10:4.
6. Isang Israelita, isa sa mga ulo ng bayan, na ang inapo, kung hindi man siya mismo, ay nagpatotoo sa “mapagkakatiwalaang kaayusan” na ginawa noong panahon ni Nehemias.—Ne 9:38; 10:1, 14, 27.