BET-HARAN, BET-HARAM
Isang lunsod sa silanganing panig ng Jordan sa teritoryong hiniling ng tribo ni Gad dahil sa mainam na pastulan nito. Ito ay maaaring itinayo o muling itinayo ng mga Gadita, at bagaman nasa mababang kapatagan, naging isa ito sa kanilang mga nakukutaang lunsod.—Bil 32:1, 34, 36; Jos 13:27.
Ang pangalan nito ay waring napanatili sa Tell er-Rameh sa Wadi er-Rameh (Wadi Husban) sa Kapatagan ng Moab, ngunit ipinapalagay na ang orihinal na lugar ng Bet-haran (Bet-haram) ay ang Tell Iktanu, na mga 13 km (8 mi) sa SHS ng dako kung saan umaagos ang Jordan patungo sa Dagat na Patay. Ang lugar na ito ay malapit sa pinagmumulan ng bantog na maiinit na bukal, na maaaring isang dahilan kung bakit nagtayo si Haring Herodes ng palasyo sa dakong ito. Noong unang bahagi ng Karaniwang Panahon, kilala ang lugar ng Tell er-Rameh bilang Livias, isang pangalang ibinigay rito ni Herodes Antipas, at nang maglaon, ang pangalan nito ay ginawang Julias.