CASIPIA
[posible, Dako ng mga Panday-Pilak].
Isang “dako” na maliwanag na nasa Babilonia at waring malapit sa lugar na pinagtipunan ng mga tapon na bumalik sa Jerusalem kasama ni Ezra noong 468 B.C.E. (Ezr 8:17-20) Maliban sa sinabi ng Bibliya na ito ang lugar kung saan nangalap si Ezra ng mga Levita at mga Netineo habang nagkakampo sila sa ilog ng Ahava, hindi nito eksaktong tinukoy kung ang Casipia ay isang lunsod o isang distrito.