Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Kedorlaomer”
  • Kedorlaomer

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kedorlaomer
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Tidal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Si Abraham—Propeta at Kaibigan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Elasar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ariok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Kedorlaomer”

KEDORLAOMER

Isang hari ng sinaunang Elam na nagpalawak ng kaniyang kapangyarihan pakanluran hanggang sa mga hanggahan ng Ehipto bago pa pumasok si Abraham sa Lupang Pangako noong 1943 B.C.E. Pagkaraan ng kanilang 12-taóng pagkaalipin, limang hari na malapit sa timugang dulo ng Dagat na Patay ang naghimagsik laban sa kanilang punong-panginoon sa silangan. Nang ika-14 na taon, si Kedorlaomer at ang tatlong kaalyado niya, sina Amrapel ng Sinar, Ariok ng Elasar, at Tidal ng Goiim, ay dumating sa K upang sugpuin ang paghihimagsik. Mula H hanggang T, tinalo nila ang mga lunsod na nasa kahabaan ng mga ruta ng kalakalan sa S ng Jordan, at sa T ng Dagat na Patay sa teritoryong pinanirahan ng mga Amalekita nang maglaon. Dahil dito, madali na nilang naitaboy ang limang hari na pasimuno ng insureksiyon.

Kasama sa mga binihag ni Kedorlaomer ang pamangkin ni Abraham na si Lot, na naninirahan sa di-kalayuan. Nang mabalitaan ito ni Abraham, agad niya silang tinugis kasama ang 318 sa kaniyang nasasandatahang mga lingkod. Ginulantang nila sa Dan ang mas malakas na puwersa ng mga kaaway at, pagkatapos nilang tugisin ang mga iyon hanggang sa Hoba sa H ng Damasco ay nabawi nila si Lot at ang kaniyang mga pag-aari.​—Gen 14:1-17.

Wala sa mga talaan ng sinaunang mga tagapamahala ng Elam ang pangalang Kedorlaomer, ngunit kinikilala na ito’y isang pangalang Elamita. Ang Kudur, na posibleng ibang anyo ng Kedor, ay ginagamit sa maraming tambalang pangalan. Ang Lagamar, na nahahawig sa laomer, ay pangalan ng isang bathalang Elamita.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share