EPAFRODITO
[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “umalimbukay”].
Isang mapagkakatiwalaang miyembro ng kongregasyon sa Filipos, Macedonia, na isinugong may dalang kaloob kay Pablo na isang bilanggo noon sa Roma (mga 59-61 C.E.). (Fil 2:25; 4:18) Samantalang nasa Roma, si Epafrodito ay ‘nagkasakit anupat halos mamatay na; ngunit ang Diyos ay naawa sa kaniya.’ Ang balita tungkol sa kaniyang pagkakasakit ay nakarating sa mga taga-Filipos at sila, marahil, ay may-pagkabalisang nag-usisa. Yamang nananabik si Epafrodito na makita ang mga taga-Filipos at nababagabag na nalaman ng mga ito ang tungkol sa kaniyang karamdaman, minabuti ni Pablo na pabalikin agad si Epafrodito sa sandaling gumaling na ito at ipinagkatiwala rito ang kaniyang liham sa kongregasyon ng Filipos. Pinasigla ni Pablo ang mga kapatid na ‘pagpakitaan ng kinaugaliang pagtanggap sa Panginoon’ si Epafrodito at ‘patuloy na ituring na mahalaga ang gayong uri ng mga tao.’ Sapagkat dahil sa gawain ng Panginoon kung kaya inilantad ni Epafrodito ang kaniyang sarili sa panganib, anupat napasabingit ng kamatayan. (Fil 2:25-30) Hindi dapat ipagkamali si Epafrodito kay Epafras na mula sa Colosas.