Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Malayang Babae”
  • Malayang Babae

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malayang Babae
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Hagar
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • “Isang Makasagisag na Drama” na Mahalaga sa Atin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Paggawang Kasama ng Organisador ng Buong Sansinukob
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Sara
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Malayang Babae”

MALAYANG BABAE

Isang babae na hindi alipin. Ginagamit ang terminong ito bilang paglalarawan sa asawa ni Abraham na si Sara at sa “Jerusalem sa itaas.” Mula nang palayain ng Diyos na Jehova ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Ehipto at ibigay niya sa kanila ang Kautusan sa Bundok Sinai hanggang sa wakasan ang tipang Kautusan noong 33 C.E., pinakitunguhan ni Jehova ang bansang Israel bilang isang pangalawahing asawa. (Jer 3:14; 31:31, 32) Gayunman, ang Kautusan ay hindi nagbigay sa bansang Israel ng katayuan ng isang malayang babae, sapagkat isiniwalat nito na ang mga Israelita ay nasa ilalim ng kasalanan, samakatuwid ay mga alipin. Kung gayon, angkop na angkop na itinulad ni Pablo ang Jerusalem ng kaniyang panahon, na nasa pagkaalipin, sa alilang babae na si Hagar, ang babaing kinakasama ni Abraham, at ang “mga anak,” o mga mamamayan, ng Jerusalem, sa anak naman ni Hagar na si Ismael. Sa kabaligtaran, ang orihinal na asawa ng Diyos, ang Jerusalem sa itaas, tulad ni Sara, ay isang malayang babae mula’t sapol, at ang kaniyang mga anak ay malalaya rin naman. Upang maging isang malayang anak ng Jerusalem sa itaas, anupat nagtataglay ng “kaniyang kalayaan,” ang isa ay kailangang palayain ng Anak ng Diyos mula sa pagkaalipin sa kasalanan.​—Gal 4:22–5:1 at tlb sa 5:1 sa Rbi8; Ju 8:34-36.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share