ICABOD
[Nasaan ang Kaluwalhatian?].
Anak ni Pinehas na isinilang pagkamatay ni Pinehas; kapatid ni Ahitub; apo ng mataas na saserdoteng si Eli. Ang pangalang Icabod, na ibinigay sa kaniya ng kaniyang naghihingalong ina noong isilang siya, ay nangangahulugang ang kaluwalhatian ay lumisan sa Israel dahil sa pagkabihag ng Kaban at sa pagkamatay nina Pinehas at Eli.—1Sa 4:17-22; 14:3.