Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Pinehas”
  • Pinehas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pinehas
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Matutularan Mo ba si Pinehas sa Pagharap sa mga Hamon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Icabod
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hopni
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Putiel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Pinehas”

PINEHAS

1. Anak ni Eleazar at apo ni Aaron. Ang kaniyang ina ay isang anak ni Putiel, at ang pangalan ng kaniyang anak ay Abisua. (Exo 6:25; 1Cr 6:4) Ang mabilis na pagkilos ng kabataang si Pinehas ang nagpatigil sa salot mula kay Jehova pagkamatay ng 24,000 Israelita sa Kapatagan ng Moab dahil sa pakikiapid at dahil inilakip nila ang kanilang sarili sa Baal ng Peor. Nang makita niya si Zimri na dinadala ang Midianitang si Cozbi sa tolda nito, inulos niya silang dalawa ng sibat, “ang babae sa kaniyang ari.” Ang sigasig na ito sa ‘hindi pagpapahintulot na magkaroon ng kaagaw’ si Jehova ay ‘ibinilang sa kaniya na katuwiran,’ at gumawa ang Diyos ng tipan na ang pagkasaserdote ay mananatili sa kaniyang angkan “hanggang sa panahong walang takda.”​—Bil 25:1-3, 6-15; Aw 106:30, 31.

Si Pinehas ay naglingkod sa iba’t ibang tungkulin noong nabubuhay siya. Siya ang saserdoteng kinatawan ng hukbong naglapat ng paghihiganti ni Jehova sa Midian. (Bil 31:3, 6) Nang inakala na iniiwan na ng tatlong tribo ang pagsamba kay Jehova, pinangunahan niya ang isang grupo ng mga tagapagsiyasat. (Jos 22:9-33) Siya ang pinuno ng mga bantay ng pintuang-daan ng tabernakulo. (1Cr 9:20) Pagkalibing sa kaniyang ama sa Burol ni Pinehas, naglingkod siya bilang mataas na saserdote. (Jos 24:33; Huk 20:27, 28) Ang kaniyang pangalan ay prominente sa ilang talaangkanan pagkaraan ng pagkatapon.​—1Cr 6:4, 50; Ezr 7:5; 8:2.

2. Ang nakababata sa dalawang “walang-kabuluhang” mga anak ng saserdoteng si Eli. (1Sa 1:3; 2:12) Habang naglilingkod bilang mga saserdote, siya at ang kaniyang kapatid na si Hopni ay sumisiping sa mga babaing naglilingkod sa santuwaryo at ‘pinakikitunguhan nila nang walang galang ang handog kay Jehova.’ (1Sa 2:13-17, 22) Hindi sila nakinig nang banayad silang sawayin ng kanilang ama. Dahil sa kanilang kabalakyutan, bumigkas ang Diyos ng paghatol laban sa kanila. Natupad ito nang kapuwa sila mapatay sa iisang araw sa pakikipagbaka sa mga Filisteo. (1Sa 2:23-25, 34; 3:13; 4:11) Hindi nakayanan ng asawa ni Pinehas ang balita tungkol sa pagkabihag ng Kaban at sa kamatayan ng kaniyang biyenan at asawa. Siya ay nagitla at namatay sa pagsisilang kay Icabod.​—1Sa 4:17-21.

3. Isang Levita, na ang anak na si Eleazar ay tumulong sa pagbibilang ng mga kayamanan ng templo noong panahon ni Ezra, 468 B.C.E.​—Ezr 8:33, 34.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share