Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Garing”
  • Garing

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Garing
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Garing—Gaano Kahalaga Ito?
    Gumising!—1998
  • Sining
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Trono
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Panahon Na ba Upang Magpaalam?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Garing”

GARING

[sa Ingles, ivory].

Ang kulay-kremang pangil ng elepante, hipopotamus, walrus, at iba pang mga hayop. Bagaman matigas, at may densidad na mga tatlo at kalahating ulit ng densidad ng pinatuyong tablang sedro, ito ay nahuhutok at madaling ukitin o hubugin. Dahil pino ang hilatsa nito, ito ay makinis, makintab at napakatibay. Bukod sa pagiging kapaki-pakinabang nito, mayroon itong natatanging kagandahan dahil sa magkakasanib na suson ng dentin (pangunahing sangkap ng mga ngipin) na salit-salitan ang tingkad ng kulay. Sa Hebreo, ang “garing” ay tinutukoy ng mga salitang shen (sa literal, ngipin) at shen·hab·bimʹ (isinaling “mga ngipin ng elepante” sa Griegong Septuagint). Ang terminong Griego naman na e·le·phanʹti·nos ay nangangahulugang “yari sa garing.”

Ang garing ay iniuugnay sa mga luho sa buhay​—mga gawang-sining, mga eleganteng kasangkapan, mahahalagang kayamanan. Minsan sa bawat tatlong taon, ang mga barko ni Solomon ay nagdadala ng napakaraming garing mula sa malalayong lugar. (1Ha 10:22; 2Cr 9:21) Angkop naman sa kaniyang kaluwalhatian at kadakilaan, si Solomon ay “gumawa ng isang malaking tronong garing at kinalupkupan niya iyon ng dinalisay na ginto.” (1Ha 10:18; 2Cr 9:17) Binabanggit ng Mga Awit ang “maringal na palasyong garing” may kaugnayan sa mga panugtog na de-kuwerdas para sa musika. (Aw 45:8) Sa marikit na Awit ni Solomon, ginamit ng manunulat ang garing bilang isang metapora at isang simili upang maglarawan ng kagandahan: “Ang kaniyang tiyan ay isang laminang garing na nababalutan ng mga safiro,” “Ang iyong leeg ay gaya ng isang toreng garing.” (Sol 5:14; 7:4) Nagtayo rin si Haring Ahab para sa kaniyang sarili ng isang palasyo na ginamitan ng mamahaling garing, anupat ginawa niya itong mistulang isang “bahay na garing.” (1Ha 22:39) Noong mga araw ni Amos, ang mga bahay at mga higaan ginamitan ng garing. (Am 3:15; 6:4) Pinatutunayan ng mga tuklas sa arkeolohiya ang lubhang lansakang paggamit ng garing sa bansang Israel at sa mga kalapit na bayan nito.

Ang Ehipto rin ay gumamit ng likas na “plastik” na ito sa paggawa ng mga bagay na gaya ng mga suklay, mga hawakan ng pamaypay, mga pinggan, mga kahita ng ungguento, mga paa ng silya, mga game board, maliliit na estatuwa, at mga likhang-sining na nililok. Sa kaniyang malawakang pangangalakal sa dagat, kinalupkupan ng lunsod ng Tiro ng garing ang mga proa ng kaniyang mga barko. Ang garing ay nakatala ring kabilang sa mga mamahaling bagay ng mga negosyante ng sinaunang Tiro, gayundin sa mga paninda ng “mga naglalakbay na mangangalakal sa lupa” na tumatangis dahil sa pagbagsak ng Babilonyang Dakila tungo sa pagkapuksa.​—Eze 27:6, 15; Apo 18:11, 12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share