Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Jerameelita, Mga”
  • Jerameelita, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jerameelita, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Akis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Jerameel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Gesurita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • David
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Jerameelita, Mga”

JERAMEELITA, MGA

[Ni (Kay) Jerameel].

Ang mga inapo ni Juda sa pamamagitan ni Jerameel na anak ni Hezron. (1Cr 2:4, 9, 25-27, 33, 42) Ang mga Jerameelita ay nanirahan sa timugang bahagi ng Juda, lumilitaw na sa kalakhang rehiyon din ng mga Amalekita, mga Gesurita, at mga Girzita na nilusob ni David habang tumatahan siyang kasama ng mga Filisteo bilang isang takas mula kay Haring Saul. Kapag bumabalik mula sa gayong mga paglusob, may-kalabuang iniuulat ni David na ang mga paglusob na ito ay ginawa “sa timog ng Juda at sa timog ng mga Jerameelita at sa timog ng mga Kenita.” Kaya naman ipinapalagay ng Filisteong si Haring Akis na ang nilusob ni David ay mga Israelita, sa gayon ay ginagawang isang alingasaw ang kaniyang sarili sa kaniyang mga kababayan at pinagiging mas mahalaga siya kay Akis. (1Sa 27:7-12) Ang totoo, nang bandang huli ay binahaginan ni David ng mga samsam sa digmaan ang matatandang lalaki “na nasa mga lunsod ng mga Jerameelita.”​—1Sa 30:26, 29.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share