Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Jozabad”
  • Jozabad

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Jozabad
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Bani
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hasabias
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Agripa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Mesulam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Jozabad”

JOZABAD

[pinaikling anyo ng Jehozabad, malamang na nangangahulugang “Si Jehova ay Nagkaloob”].

1. Isang mandirigma na sumama kay David sa Ziklag; isang Gederatita.​—1Cr 12:1-4.

2, 3. Dalawang tao na may ganitong pangalan ang kabilang sa mga pangulo ng Manases na lumipat sa panig ni David noong ito ay nasa Ziklag at naging mga pinuno sa hukbo nito.​—1Cr 12:20, 21.

4. Isang komisyonado na inatasan ni Haring Hezekias upang tumulong sa pag-aasikaso sa mga ikapu, mga abuloy, at mga banal na bagay na dinala ng bayan; walang alinlangan na isang Levita.​—2Cr 31:12, 13.

5. Isang Levitang pinuno na nag-abuloy ng maraming tupa at baka para sa pagdiriwang ng dakilang Paskuwa na isinaayos ni Haring Josias.​—2Cr 35:1, 9, 18.

6. Isa sa mga Levita na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon na sa kaniyang kamay tinimbang ni Ezra at ng pangkat nito ang lahat ng mahahalagang bagay na dinala nila mula sa Babilonya patungong Jerusalem noong 468 B.C.E. (Ezr 8:33, 34) Tingnan ang Blg. 8, 9, at 10.

7. Isang anak o inapo ni Pasur, at isa sa mga saserdote na nagpaalis sa kanilang mga asawang banyaga at mga anak.​—Ezr 10:22, 44.

8. Isa sa mga Levita na matagumpay na napatibay-loob ni Ezra na magpaalis sa kanilang mga asawang banyaga. (Ezr 10:10, 11, 23, 44) Posibleng siya rin ang Blg. 6, 9, at 10.

9. Isa sa mga Levita na kasamahan nina Ezra at Nehemias na bumasa at nagpaliwanag ng Kautusan sa bayan. (Ne 8:7-9) Posibleng siya rin ang Blg. 6, 8, at 10.

10. Isang Levita na “namamahala sa gawaing panlabas” ng muling-itinayong templo. (Ne 11:15, 16) Posibleng siya rin ang Blg. 6, 8, at 9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share