Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Yerbabuena”
  • Yerbabuena

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Yerbabuena
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Yerbabuena, Eneldo, at Komino
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Kumain Kasama ng Isang Pariseo
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Pakikipananghalian sa Isang Fariseo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Pakikipananghalian sa Isang Fariseo
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Yerbabuena”

YERBABUENA

[sa Gr., he·dyʹo·smon; sa Ingles, mint].

Isang yerba na matapang ang amoy na ang tanging pagbanggit dito sa Kasulatan ay may kinalaman sa napakaingat na pagtupad ng mga eskriba at Pariseo sa pagbibigay ng ikasampu ng yerbabuena, samantalang winawalang-halaga naman nila ang mas mabibigat na bagay ng Kautusan. (Mat 23:23; Luc 11:42) May ilang uri ng yerbabuena na matatagpuan sa Palestina at Sirya, anupat ang horsemint (Mentha longifolia) ang pinakakaraniwan. Malamang na ang salitang Griego na he·dyʹo·smon (sa literal, matamis ang amoy) ay hindi lamang kumakapit sa isang partikular na uri kundi sumasaklaw sa iba’t ibang kilalang uri ng yerbabuena.

Ang mga tangkay ng mga halamang yerbabuena ay parisukat, anupat ang mga dahon ay tumutubo nang dala-dalawa, isa sa bawat panig ng tangkay. Ang mga bulaklak na maliit at puting mangasul-ngasul o malarosas ay nakaayos sa mga bungkos, anupat nagiging hiwa-hiwalay na mga pabilog o kaya ay tulis-tulis na mga dulo. Mula pa noong sinaunang mga panahon, ang yerbabuena ay ginagamit na sa medisina at bilang pampalasa sa pagkain; ito ay dahil sa mabangong langis na nasa mga dahon at mga tangkay ng halaman.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share