Yerbabuena, Eneldo, at Komino
Mula pa noon, ginagamit na ang yerbabuena, o mint, bilang gamot at pampalasa. Ang salitang Griego na he·dyʹo·smon, o “yerbabuena,” (literal na nangangahulugang matamis ang amoy) ay malamang na tumutukoy sa iba’t ibang klase ng yerbabuena na makikita sa Israel at Sirya, kasama na ang karaniwang horsemint (Mentha longifolia). Ang eneldo (Anethum graveolens) naman ay may mabangong buto na nagagamit na pampalasa at gamot sa sakit ng tiyan. Ang halamang komino (Cuminum cyminum) ay kapamilya ng karot o parsley, at napakabango ng buto nito na ginagamit sa Gitnang Silangan at sa iba pang bansa bilang pampalasa ng tinapay, kakanin, nilaga, at kahit ng alak.
Kaugnay na (mga) Teksto: