MORE
1. Noong panahon ni Abraham o bago pa nito, ang malalaking punungkahoy ng More ay nagsilbing isang kilaláng palatandaan na malapit sa Sikem at waring nagpatuloy iyon sa loob ng maraming siglo. (Gen 12:6; Deu 11:30; marahil ay tinukoy rin sa Gen 35:4; Jos 24:25, 26; Huk 9:6.) Iniuugnay ng ilang iskolar ang “malaking punungkahoy ng Meonenim” sa “malalaking punungkahoy ng More.” (Huk 9:37) Marahil ay “More” ang pangalan ng orihinal na may-ari ng lupaing malapit sa Sikem at iyon ay may isang prominenteng punungkahoy o isang kalipunan o taniman ng malalaking punungkahoy.
2. Pangalan ng isang burol. Sa kapaligiran nito ay tinalo ni Gideon ang mga Midianita. (Huk 7:1) Karaniwang ipinapalagay na ang burol na ito ay ang kalbo at kulay-abong tagaytay ng Jebel Dahi (Givʽat Ha-More), na mga 8 km (5 mi) sa H ng iminumungkahing lokasyon ng balon ng Harod.