BUTIKING-TUBIG
[sa Heb., leta·ʼahʹ; sa Ingles, newt].
Isang maliit na salamander o may-buntot na ampibyan na kahawig ng bayawak ngunit walang kaliskis at nababalutan ng malambot, mamasa-masa, at manipis na balat. Kamag-anak ito ng palaka at kabilang sa maruruming nilalang sa Kautusang Mosaiko. (Lev 11:29, 30) Ang banded newt (Triturus vittatus) ng Asia Minor at Sirya ay makikilala dahil sa itim na guhit sa magkabilang tagiliran ng katawan nito. Sa tubig ito iniluluwal, at naninirahan ito sa katihan sa loob ng dalawa o tatlong taon pagkatapos mawala ang kaniyang mga hasang, saka ito bumabalik sa tubig upang doon manirahan sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay.