PORFIDO
[sa Ingles, porphyry].
Isang uri ng bato, kadalasa’y matingkad na pula, purpura, o kung minsan ay berde, na may mga kristal ng feldspar. Kasama ng marmol at perlas, ginamit ito bilang sahig sa palasyo ng Persia sa Susan noong mga araw ni Haring Ahasuero.—Es 1:6.