SABETAI
[[Isinilang nang] Sabbath].
Isang Levita na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon. Ang teksto sa Ezra 10:15 ay kababasahan: “Gayunman, si Jonatan na anak ni Asahel at si Jahzeias na anak ni Tikva ang tumayo laban dito, at si Mesulam at si Sabetai na mga Levita ang tumulong sa kanila.” Ang talatang ito ay maaaring unawain na tinulungan ni Sabetai yaong mga sumalansang sa panukala ni Ezra na paalisin niyaong mga kumuha ng mga asawang banyaga ang mga ito. O maaaring nangangahulugan ito na nakisama siya sa pagsalansang sa pamamaraang iminungkahi ng kongregasyon para lutasin ang usapin. Ang isa pang posibleng salin ay magpapahiwatig na tinulungan niya yaong mga gumanap bilang kinatawan sa pagharap sa situwasyon alang-alang sa bayan. Ang huling pangmalas na ito marahil ay masusuportahan kung ang Sabetai na binanggit dito ang siya ring taong binanggit sa Nehemias 8:5-7; 11:1, 2, 15, 16 na tumulong kay Ezra sa pangmadlang pagbabasa ng Kautusan at nanirahan sa Jerusalem matapos na muling maitayo ang pader.