SIMEONITA, MGA
[Ni (Kay) Simeon].
Ang mga inapo ng ikalawang anak ni Jacob na si Simeon. Pagkaraan ng mga 40 taon ng pagpapagala-gala sa ilang, ang populasyon ng kalalakihang Simeonita na 20 taóng gulang at pataas at kuwalipikado sa paglilingkod militar ay 22,200 na lamang, ang pinakamaliit sa 12 tribo. Sila ay nahahati sa limang pangunahing pamilya—ang mga Nemuelita, mga Jaminita, mga Jakinita, mga Zerahita, at mga Shaulita. (Bil 25:14; 26:1, 2, 12-14; Jos 21:4; 1Cr 27:16) Kung mayroon mang mga inapo ang ikaanim na anak na si Ohad nang kunin ang ikalawang sensus na ito, malamang na napakakaunti nila upang maitala bilang isang nakabukod na pamilya.—Gen 46:10; Exo 6:15.