SITNA
[Akusasyon].
Isang balon na hinukay ng mga lingkod ni Isaac sa kapaligiran ng Gerar at Rehobot. Tinawag itong Sitna dahil pinagtalunan nila ng mga pastol ng Gerar ang balong ito. (Gen 26:19-22) Marahil ito ay nasa Wadi Ruheibe (Nahal Shunera), mga 30 km (19 na mi) sa TK ng Beer-sheba. Gayunman, hindi alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng Sitna.