Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Kakayahang Mag-isip”
  • Kakayahang Mag-isip

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kakayahang Mag-isip
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Kawikaan, Aklat ng mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Paano Ka Maiingatan ng Kakayahang Mag-isip?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Sino ang Humuhubog sa Iyong Pag-iisip?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Kaalaman
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Kakayahang Mag-isip”

KAKAYAHANG MAG-ISIP

Ang terminong Hebreo na mezim·mahʹ ay ginagamit upang tumukoy sa kakayahang mag-isip, o sa kakayahang magsaalang-alang sa isang bagay nang may karunungan at pagbubulay-bulay, salig sa lubos na kaalaman (Kaw 5:2; 8:12); sa mga pakana, mga katha, at mangmang na mga kaisipan ng mga taong balakyot (Aw 10:2, 4; 21:11; 37:7; 139:19, 20; Kaw 12:2; 24:8; Jer 11:15); o sa may-layuning mga “kaisipan” ng Diyos na Jehova o ng kaniyang “puso” (Job 42:2; Jer 23:20; 30:24; 51:11).

Isa sa mga layunin ng Mga Kawikaan ay ang magbigay sa isang kabataan ng kaalaman at kakayahang mag-isip. (Kaw 1:1-4) Ang mga impormasyong nakapaloob sa Mga Kawikaan ay nakatutulong sa isang indibiduwal na makabuo ng kapaki-pakinabang na mga kaisipan at mga ideya na makapagbibigay ng layunin at direksiyon sa kaniyang buhay. Iniingatan siya ng kakayahang mag-isip mula sa pagsunod sa maling landasin at sa pakikisama sa mga nais umimpluwensiya sa kaniya sa ikasasama, yamang tinutulungan siya nito na makita kung ano ang kahahantungan ng gayong pagkilos. Nagbubunga ito ng pagpapala para sa indibiduwal na iyon. Iniingatan siya ng karunungan at kakayahang mag-isip mula sa pagsasagawa ng mga gawaing hahantong sa kapahamakan at sa gayo’y nagiging buhay ang mga ito sa kaniyang kaluluwa. Nagtatamasa siya ng katiwasayan, anupat hindi natatakot na baka lapatan siya ng katarungan dahil sa kaniyang masamang gawa.​—Kaw 3:21-25.

Gayunman, posible rin na maging tudlaan ng pagkapoot ang isang taong tunay na gumagamit ng kakayahang mag-isip. Maaaring ito ang ipinahihiwatig sa Kawikaan 14:17: “Ang taong may kakayahang mag-isip ay kinapopootan.” Kadalasan, yaong mga gumagamit ng kanilang mental na mga kakayahan ay hindi kinalulugdan ng mga taong hindi palaisip. Gayundin, sa diwa, yaong mga gumagamit ng kanilang isip sa paggawa ng kalooban ng Diyos ay kinapopootan. Gaya ng sinabi ni Jesu-Kristo: “Sapagkat hindi kayo bahagi ng sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan, dahil dito ay napopoot sa inyo ang sanlibutan.” (Ju 15:19) Sabihin pa, sa Kawikaan 14:17, ang termino sa orihinal na wika para sa “kakayahang mag-isip” ay maaaring sumaklaw sa mapaminsalang kaisipan. Samakatuwid, ang tekstong iyon ay maaari ring mangahulugan na ang isang taong kumakatha ng masama ay kinapopootan, at, kaayon nito, ang ilang salin ay kababasahan ng ganito: “At ang isang taong may masasamang pakana ay kinapopootan.”​—JP, Ro.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share