ZABAI
[posibleng pinaikling anyo ng Zebadias, nangangahulugang “Ipagkaloob Nawa ni Jehova”].
Isang anak ni Bebai na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon, kabilang sa mga pumutol sa kanilang mga alyansa ukol sa pag-aasawa sa mga banyaga, dahil sa payo ni Ezra. (Ezr 10:28, 44) Malamang na siya ang ama ng Baruc na gumawa sa mga pader ng Jerusalem.—Ne 3:20.