Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 6/15 p. 25
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Namamatay sa Gutom
  • “Ano ang Nangyayari sa Ating Lipunan?”
  • Taggutom
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Bibliya—Aklat ng Mapananaligang mga Hula, Bahagi 6
    Gumising!—2012
  • Mga Huling Araw—Taggutom, Salot, Polusyon—At ang Pangangaral ng Kaharian
    Gumising!—1988
  • Lumalaki ang Salot
    Gumising!—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 6/15 p. 25

Ang Kahulugan ng mga Balita

Mga Namamatay sa Gutom

Isa pang ebidensiya ng mga huling araw ay gutom. Tungkol sa ating panahon, inihula ni Jesu-Kristo ang ‘mga kakapusan sa pagkain sa iba’t-ibang dako.’​—Mateo 24:3, 7.

Ang taggutom ay dinaranas ngayon ng napakaraming tao sa lugar ng norte-sentral Aprika at nagdudulot ng napakalaking kaabahan at kamatayan ng angaw-angaw. Subalit marami ang hindi nakakaalam na sa pagitan ng 1958 at 1961 ang tagtuyot, baha at salot ng mga insekto ang sanhi ng dahop na pag-aani sa Tsina na nagdulot ng malubhang mga kakapusan sa pagkain. Sa unang-unang pagkakataon, ang mga opisyales ng kontinental Tsina ay umamin kamakailan na mahigit na sampung milyon ng kaniyang mga mamamayan ang namatay noong apat na taon ng taggutom. Ang Associated Press writer na si Jeff Bradley ay sumisipi sa kinatawan ng The State Statistical Bureau, si Xu Gang, na nagsasabi na sa panahon ng mga taóng iyon “mahigit na sampung milyon katao,” ang nakaranas ng di-likas na mga kamatayan, “dahilan sa gawang-taong mga sanhi at malulubhang kalamidad sa kalikasan.”

Ang pagsisikap na takpan ang mga katotohanan gayumpaman, ay hindi makapagkukubli sa dami ng namatay sa taggutom sa siglong ito. Lahat nang ito ay nagpapatibay na natutupad na ang hula ni Jesus tungkol sa ‘tanda ng kaniyang pagkanaririto at ng katapusan ng sistemang ito ng mga bagay.’​—Mateo 24:3.

“Ano ang Nangyayari sa Ating Lipunan?”

Napakadalas ngayon, ang karahasan ay sumasapit sa mga oras at lugar na di-inaasahan. Halimbawa, ang katahimikan isang hapon ng Linggo sa isang arabal sa Sydney ay nasirang biglang-bigla nang ang magkakaribal na gang ng “bikie” na may taglay na mga baril, riple, balisong, garote, distilniyador at mga kadena ay nagbakabaka sa isa’t-isa. Nang matapos ang pagbabakang iyon makalipas ang mga 15 minutos, anim na miyembro ng dalawang gang na nakamotorsiklo at isang 14-anyos na babaeng nanonood ang nakahandusay na patay. Di kukulangin sa 20 iba pa ang nasaktan, ang iba’y malulubha.

Isang tanong na tinatanong ng maraming tao sa Australia at sa natitirang panig ng daigdig ang sinuma sa The Australian noong Setyembre 3, 1984: “Ano ang nangyayari sa ating lipunan?” Ang mga taong “tinuruan ni Jehova” ang nakakaalam ng sagot. (Juan 6:45) Ang nasaksihan ng Australia kamakailan ay isa lamang bahagi ng mahabang talaan ng karahasan na nasasaksihan sa buong daigdig sapol noong 1914. Walang dako sa lupa ang hindi dinaratnan ng karahasan. Pinatutunayan ng Bibliya na ang ganiyang mga bagay ay katunayan na ang sangkatauhan ay namumuhay sa “mga huling araw.” Bilang katuparan ng hula ng Salita ng Diyos, nasasaksihan natin ang “paglago ng katampalasanan” at ang isang lipunan na punong-puno ng mga taong “walang pagpipigil-sa-sarili, mababangis, walang pag-ibig sa kabutihan.​—Mateo 24:12; 2 Timoteo 3:1-3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share