Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/1 p. 8-9
  • Ang Bantayan ay Sabay-sabay na Inilalathala

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bantayan ay Sabay-sabay na Inilalathala
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Nagkakaisa sa Paglalathala ng Salita ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Paglalathala sa Ang Bantayan
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Purihin si Jah sa Pamamagitan ng Pagkuha ng mga Suskripsiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang mga Suskripsiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/1 p. 8-9

Ang Bantayan ay Sabay-sabay na Inilalathala

Noong Hulyo 1879 ang unang labas ng magasing ito ay nagsasabi: “Gaya ng pangalan nito, layunin nito na magmasid sa mga bagay na tatawag ng interes at pakikinabangan upang ipahayag sa ‘munting kawan.’” Ngayon, Ang Bantayan ay nagsisilbi ng espirituwal na pagkain pati sa “isang lubhang karamihan” ng taimtim na mga tao na umaasang magtatamo ng buhay na walang hanggan dito sa lupa.​—Lucas 12:32; Apocalipsis 7:9-17.

Lumaki ang sirkulasyon ng Ang Bantayan at gayundin ang dami ng mga wika na kinalalathalaan nito. Ngayon, mayroong 102 mga wika lahat-lahat. Iniuulat na ang mga bagong suskripsiyon sa Ang Bantayan at sa kasamang magasin, Gumising!, ay dumaming totoo noong nakalipas na 70 taon. Gayundin ang pamamahagi sa madla ng indibiduwal na mga sipi. Narito ang ilan sa mga ulat:

Taon Bagong Suskripsiyon Naipamahaging Magasin

1914 2,746 95,973

1944 292,258 9,293,913

1964 1,551,436 127,055,165

1984 1,812,221 287,358,064

Ngayon ay may isa pang mahalagang bagay sa 105-taóng kasaysayan ng Ang Bantayan​—ang sabay-sabay na paglalathala nito sa 20-at-mahigit pang mga wika. Isang maligayang pagsulong nga! Patuloy sanang gamitin ni Jehova ang magasing ito sa paghahayag ng kaniyang Kaharian sa ilalim ni Kristo Jesus!

[Mga larawan sa pahina 8, 9]

Sweko

Danes

Norwego

Pinlandes

Portuges

Aleman

Sepedi

Sesotho

Tsonga

Zulu

Olandes

Pranses

Kastila

Italyano

Aprikano

Hapones

Tswana

Venda

Xhosa

Cibemba

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share