Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 8/1 p. 3-4
  • Armagedon—Buhat ba sa Diyos ng Pag-ibig?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Armagedon—Buhat ba sa Diyos ng Pag-ibig?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Madugong Digmaan
  • Armagedon—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Armagedon—Ang Maling Pagkakilala Rito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ano ang Digmaan ng Armagedon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Armagedon—Isang Maligayang Pasimula
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 8/1 p. 3-4

Armagedon​—Buhat ba sa Diyos ng Pag-ibig?

“ARMAGEDON”​—ano ba ang ibig sabihin ng salitang ito sa Bibliya? Ito’y tinatalakay dito sa sunud-sunod na mga artikulo sa apat na labas ng Ang Bantayan para sa Hulyo at Agosto 1985. Inaasahan na ang mga pagpapaliwanag na ito buhat sa Kasulatan ay magbibigay-kaaliwan sa inyo at malalaman ninyo kung ano talaga ang ARMAGEDON.

ANO ba ang sumasaisip mo pagka nakita mo ang salitang “Armagedon?” Para sa marami ito ay nangangahulugan ng isang marahas na komprontasyon ng mga superpowers ng daigdig. Ang nakikini-kinita ng karamihan ay ang lubusang kapahamakan​—isang digmaang nuklear na doo’y napapauwi ang mundo nating ito sa isang lubusang wasak at sunog na planeta na kakaunti lamang, kung mayroon man, na nakakaligtas. Subalit, ibang-iba sa gayong paniwala ng karamihan, hindi iyon ang Armagedon.

Ang salitang “Armagedon” ay galing sa Bibliya. At dito ay minsan lamang itong makikita​—sa ika-16 na kabanata ng aklat ng Apocalipsis. Pagkatapos na banggitin kung papaano “lahat ng mga hari ng sanlibutan” ay titipuning sama-sama “ukol sa digmaan ng Dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat,” sinasabi ng hula: “Kanilang tinipong sama-sama ang mga hari sa lugar na tinatawag, sa Hebreo, na Armagedon.”​—Apo 16 Talatang 13 hanggang 16, The Jerusalem Bible.

“Ang digmaan ng Dakilang Araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat”! Maliwanag, ang Armagedon ay digmaan ng Diyos. Totoo, dito’y kasangkot ang mga hari, o mga bansa, ng daigdig. Subalit sila’y hindi sa isa’t-isa nakikipaglaban, kundi sila’y nakikipaglaban sa Diyos at sa makalangit na mga hukbo na pinangungunahan ng kaniyang inatasang Haring si Jesu-Kristo​—na inilalarawan na nakasakay sa isang maputing kabayo. Ano ba ang resulta nito? Ganito ang mababasa sa Bibliya: “Ang mga hari sa lupa at ang kani-kanilang mga hukbo ay nagtipun-tipong sama-sama upang makipagbaka sa isa na nakaupo sa kabayo at sa kaniyang hukbo. . . . [Sila] ay nilipol ng mahabang tabak niyaong isa na nakaupo sa kabayo . . . At lahat ng mga ibon ay nangabusog ng laman nila.”​—Apocalipsis 19:19-21.

Isang Madugong Digmaan

Ganiyan na lamang ang dami ng mamamatay at mapipinsala sa Armagedon kung kaya’t ang kapahamakang iyon ay tinutukoy na ‘paggapas sa lupa’ sa pamamagitan ng isang matalas na panggapas. “At ang kaniyang panggapas ay inihagis ng anghel sa lupa at pinuti ang mga ubas sa ubasan ng lupa, at inihagis sa malaking pisaan ng ubas ng galit ng Diyos. At ang pisaan ng ubas ay niyurakan sa labas ng lunsod, at sa pisaan ng ubas ay lumabas ang dugo na umapaw hanggang sa mga preno ng mga kabayo, sa lawak na sanlibo at anim na raang estadio.”​—Apocalipsis 14:15-20.

Oo, aagos ang katakut-takot na dugo pagka isinagawa na ng Diyos ang paglipol. Ang 69 milyong mga nasawi sa dalawang digmaang pandaigdig ay bale-wala kung ihahambing sa mga malilipol sa digmaan ng Diyos ng Armagedon. Tungkol sa mga malilipol ang propetang si Jeremias ay sumulat: “Ang mapapatay ni Jehova sa araw na iyo’y magiging mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa. Sila’y hindi tataghuyan, o dadamputin man, o ililibing man. Sila’y magiging parang dumi sa ibabaw ng lupa.”​—Jeremias 25:30-33.

Ang nagniningas na mga suligi, pag-ulan ng apoy, at iba pa ay magdadala ng kakilabutan sa mga puso ng sangkatauhan sa buong daigdig sa panahon ng paghuhukom ng Diyos. Sila ay magkakalituhan nang di-kawasa at maglalaban sa isa’t-isa, samantalang ang mga tagapuksang gagamitin ng Diyos ay manlilipol na hindi isasaalang-alang ang edad o sekso. Sapagkat sila’y tinagubilinan ng Diyos na huwag magpakita ng awa: “Lipulin ninyo sila. Huwag mahabag ang inyong mata, at huwag kayong maawa. Ang mga matatanda, mga binata at mga dalaga at maliliit na mga bata at mga babae ay lilipulin ninyong lahat​—hanggang sa sila’y malipol.”​—Ezekiel 9:5, 6; Zacarias 14:12, 13.

Ngunit paano nga mangyayari ito? Paano ngang ang isang Diyos ng pag-ibig ay magbibigay ng gayong utos? O siya kaya ay isa lamang Diyos na malamig, walang malasakit, at mapaghiganti at walang pakundangan sa kaniyang mga taong nilalang? Ang isang Diyos ba ng pag-ibig ay makagagawa na magpasapit nang gayong digmaan na tulad ng Armagedon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share