Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 5/1 p. 29-30
  • School and Jehovah’s Witnesses—Ginagamit Mo ba Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • School and Jehovah’s Witnesses—Ginagamit Mo ba Ito?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pinahalagahan ng mga Awtoridad sa Paaralan
  • Pagpapahalaga ng mga Kabataang Saksi
  • “School and Jehovah’s Witnesses”—Ang Broshur ay Tumutulong
    Gumising!—1986
  • Ano ang Kalagayan ng Inyong mga Anak sa Paaralan?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
  • Maging Handa sa Espirituwal sa Paaralan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 5/1 p. 29-30

School and Jehovah’s Witnesses​—Ginagamit Mo ba Ito?

ANG broshur na School and Jehovah’s Witnesses ay nilayon na tumulong sa mga awtoridad ng paaralan upang maunawaan nila kung bakit ang mga kabataang Saksi ay hindi sumasali sa mga ilang gawain at programa sa paaralan. Tinutulungan din nito ang mga Saksi ni Jehova na ipaliwanag kung bakit, dahil sa kanilang mga paniwala, ang kanilang paninindigan ay gaya nga ng makikita sa kanila.

Subalit, upang ang broshur ay makatupad ng layunin nito na, “upang itaguyod ang pagkakaunawaan at pagtutulungan sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova at ng mga awtoridad sa paaralan,” ang mga pamilyang Saksi ang unang-unang dapat mag-aral nito at pagkatapos ay bigyan nila ng kopya ang mga guro. Ang mga nakagamit na ng broshur na School ay nakaranas ng magagandang resulta.

Halimbawa, noong Mayo 6, 1983, ang Ministri ng Edukasyon sa Bahamas ay nagpadala ng isang sirkular na nagtatakda ng pang-umagang panggrupong pag-eehersisyo para sa lahat ng paaralan. Ang huling pangungusap sa sirkular ay nagsasabi: “Pakisuyong pansinin na walang ipinupuwera sa mga bagay na may kaugnayan sa mga Pambansang Simbolo.”

Ngunit noong tag-araw ng 1983, ang School broshur ay inilabas sa mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova at pinasimulang ginamit sa Bahamas. Maliwanag na bilang tuwirang resulta ng gayong paggamit, nang isang bagong sirkular ang ipinadala sa mga prinsipal ng mga paaralan noong Enero 18, 1984, lubos na binaligtad ang paninindigan tungkol sa pambansang simbolo. Sa huling parapo sa ilalim ng paulong “STUDENT PARTICIPATION IN PATRIOTIC ACTIVITIES IN SCHOOL,” sinabi ng sirkular:

“Ang pagsaludo sa bandila at ang pambansang awit ay may layunin na ituro na ipagmalaki ang bansa at gisingin ang diwa ng pagkamakabayan sa mga tao at sa bansa. Habang mayroong iba’t ibang bansa, ang bandila at ang pambansang awit ay mayroong dako sa lipunan. Gayunman, kung ang isa sa mga turo ng relihiyon ng isang partikular na grupo ay na ang pag-awit ng pambansang awit at ang pagsaludo sa bandila ay pagano at samakatuwid ibinabawal, kung magkagayon ay inuutos ng konstitusyon na sila’y bigyan ng kalayaan sa pagtuturo at sa pag-iisip.”

Pinahalagahan ng mga Awtoridad sa Paaralan

Ganiyan na lang ang pagpapahalaga ng mga awtoridad sa paaralan sa pagkaalam kung paanong ang mga paniwala ng mga Saksi ni Jehova ay may epekto sa kanilang pakikibahagi sa mga gawain sa paaralan. Isang kopya ng broshur ang iniwan kay Mr. Andre Lemieux, ang prinsipal ng Chibougamau School Board sa Quebec, Canada, at nang bandang huli sinabi niya sa Saksi na nagbigay sa kaniya noon: “Ang inyong turo ay humihiling na aming ipuwera ang inyong mga anak sa mga selebrasyon ng kapistahan at hindi namin maintindihan kung bakit, bagama’t kanilang ipinaliwanag iyon sa amin. Subalit sa tulong na broshur na ito, higit naming maiintindihan ang inyong mga anak at isasaalang-alang namin ang inyong mga prinsipyo sa moral.”

Pagkatapos ay tinanong niya: “Posible kaya na magkaroon ng walo para sa lahat ng paaralan, para magkaroon ng kahit isa ang bawat paaralan?” Nang sabihin na ito’y hindi magiging isang problema, sinabi niya: “Kung gayon, ako’y kukuha ng 40 muna.” At isinusog niya: “Kung lahat ng relihiyon ay makapagpapaliwanag ng kani-kaniyang turo, tayo ay magkakaroon ng mas kakaunting mga problema sa mga bata. Maraming-maraming salamat.”

Isang Saksing magulang sa estado ng Kentucky sa Estados Unidos ang nagpaliwanag na ang kaniyang mga anak ay may bagong prinsipal, kaya’t ang inang ito ay naparoon sa paaralan upang makipag-usap sa kaniya, dala ang broshur na School. “Matamang sinuri iyon ng prinsipal,” ang sabi ng ina, “at ibig niyang malaman kung makakakuha siya ng karagdagan pa. Ako’y nagtaka nang kaniyang sabihin na bigyan siya ng 25 pa. Sinabi niya na ibig niyang bigyan ng tig-iisa ang bawat guro.”

Ang inang ito ay nakipag-urap din sa mga guro ng kaniyang mga anak. Sinabi nila na hindi sila tutol na gumawang kasama ng mga anak ng Saksi ngunit kung minsan hindi nila maintindihan ang mga dahilan sa ikinikilos ng mga batang ito. Datapuwat, ang ina ay sumulat: “Pagkatapos basahin ang broshur, marami sa kanilang mga tanong ang nasagot, kaya’t naging lalong madali ang pag-aaral ng aking mga anak at iba pang mga anak ng mga Saksi sa paaralang iyon.”

Isang ina na taga-New York City ang sumulat na ang kaniyang 8-anyos na magkakambal na mga anak na babae ay may problema sa pagpapaunawa sa kanilang mga guro ng kanilang paniwala. “Ang isang guro na nagtuturo sa kanila ng musika ay litung-lito tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa pambansang mga awit at mga kapistahan,” ang sabi niya. “Sinikap ng aming mga anak na babae na ipaliwanag sa kaniya ang kanilang paninindigan at binigyan siya ng broshur.” Ano ang resulta? Kaniyang pinasalamatan sila, at sumulat tungkol sa broshur:

“Nililiwanag dito kung ano ang paniwala ng mga Saksi tungkol sa sarisaring kapistahan at kung bakit hindi sila nakikibahagi sa mga ito. Ang ilan sa mga dahilan ay alam ko na dati, ngunit ang ilan ay hindi. Bilang isang guro inaakala ko na mentras may kaalaman ako sa iba’t ibang relihiyon ng aking mga estudyante, lalong mainam na mauunawaan ko sila.”

Pagpapahalaga ng mga Kabataang Saksi

Ang broshur ay lalung-lalo nang pinahalagahan ng mga kabataan. “Ang isang pakinabang ay nasa epekto nito sa aking mga anak,” ang isinulat ng isang ina na taga-British Colombia, Canada. “Ako’y isang ina na may asawang di-sumasampalataya at kung minsan ay mahirap pagdating na sa pagpapatupad sa pangmalas ni Jehova tungkol sa mga kapistahan, bandila, atb. Subalit pagkaalam ng mga bata na aktuwal na inaasahan ng guro na sila’y mapapaiba, nabuksan na ang daan para sa kanila. Pagka sila’y nasa bahay na ay ikinukuwento nila sa akin na sila’y nanindigan, gayong dati sila’y medyo natatakot. Kanila ring ikinuwento sa akin ang mga okasyon na walang imik na tinulungan sila ng guro sa mga suliranin at ginawa iyon nang may kabaitan.”

Maraming kabataan ang sumulat upang sabihin kung paano nakatulong sa kanila ang broshur. Isang kabataan na taga-Chicago, Illinois, ang naglahad tungkol sa isang guro na pumipilit sa kaniya na kumandidata para maging isang homecoming queen. “Kinabukasan ay dinala ko ang broshur,” ang sabi ng dalagita, “at nang mabasa niya ang bahaging tungkol sa homecoming queen sinabi niya na hindi nga pala ako dapat lumahok sa timpalak. Ganoong kadali iyon.”

Isang dalagita na taga-Georgia, sa Estados Unidos, ang nagsabi na ang kaniyang guro, na binigyan niya ng broshur ang pumayag na siya’y ipuwera sa pakikibahagi sa mga ilang gawain pagkatapos na mabasa iyon ng guro. “Ang broshur na ito ay napakahalaga sa mga kabataang nag-aaral,” ang isinulat ng dalagita, “at ibig kong pasalamatan kayo. Mabuting malaman na ang Samahan ay nagmamalasakit sa mga kabataan na nakaharap sa mga problemang ito.”

Ang School broshur ay tunay na isang mainam na pantulong upang umiral ang pagkakaunawaan at pagtutulungan sa pagitan ng mga Saksi ni Jehova at ng mga awtoridad sa paaralan. Ginagamit mo ba ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share