Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 1/1 p. 27
  • “Sila’y Hindi Mananaig Laban sa Iyo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Sila’y Hindi Mananaig Laban sa Iyo”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Lumalaban sa Diyos ay Hindi Mananaig!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Ang mga Kahatulan ng Diyos ay Kailangang Ihayag
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • “Sila’y Tiyak na Lalaban sa Iyo, Ngunit Sila’y Hindi Mananaig Laban sa Iyo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Magpakalakas-Loob na Gaya ni Jeremias
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 1/1 p. 27

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

“Sila’y Hindi Mananaig Laban sa Iyo”

SA ISANG bansa sa Sentral Amerika, 15 armadong lalaki ang puwersahang kumuha sa dalawang mga Saksi ni Jehova sa kanilang tahanan at dinala sila sa isang grupo ng 75 lalaki na armado ng mga garote at matsetes. Kanilang ininsulto ang mga Saksi ng malalaswang pananalita at ibinigay sila sa isa pang grupo ng humigit-kumulang 350 mga armado ring lalaki. Inaasahan nila na ang dalawang magkapatid ay matatakot at ikukompromiso ang kanilang neutralidad bilang Kristiyano sa pamamagitan ng pagsama sa kanilang patrolya. (Isaias 2:4) Subalit ang mga Saksi ay nanatiling matatag at tumangging sumama sa mga armadong iyon. Kaya’t sila’y ibinilanggo, samantalang ang mga membro ng mga iglesya ay nakipagkompromiso at nagsipunta sa mga bundok kasama ng patrolya.

Kinabukasan ang dalawang magkapatid ay dinala sa isang malaking bayan para litisin doon uli. Habang sila’y lumalakad, sinabi ng mga guwardiya na ang dalawang kapatid na ito ay na-brainwashed. Ang tugon ng dalawang kapatid: “Oo, kami ay na-brainwashed! Ngayon ay hindi kami mananakit sa kaninuman; kami’y hindi mga magnanakaw, mga lasenggo, mga mangangalunya.” Nang sila’y litisin ng opisyal, ito’y nagpakita ng kabaitan at pinuri pa sila, na ang sabi, “Kung lahat ay katulad ninyo, ang mga bagay ay mapapaiba . . . at harinawang kayo’y iligtas ng inyong Diyos na si Jehova.” Pagkatapos ay pinalaya na sila.

Bakit pinag-uusig ang di-namiminsala, mapayapang mga Kristiyano na sumusunod sa mga pamantayan ng Diyos ng katuwiran? Ang dahilan ay sapagkat sila’y “hindi bahagi ng sanlibutan” at ng mga kalakarang pulitikal nito. (Juan 17:16) Anong laking kaaliwan na malaman na bagama’t si Satanas at ang kaniyang sanlibutan ay lalaban sa mga lingkod ni Jehova, sila ay hindi mananaig! (Jeremias 1:19) Ito’y napatunayan sa bansang ito, at ang opisyal na nangangasiwa ay dapat na pasalamatan dahilan sa pagkaunawa sa neutral na katayuan ng mga Saksi ni Jehova.

◻ Ang mga salita ni Jeremias ay napatunayan ding totoo sa isang karanasan buhat sa isang bansa sa Aprika na kung saan ang gawain ng mga Saksi ni Jehova ay hinihigpitan. Pagkatapos na ilarawan ang mga kahirapan ng mga kapaid sa pagsisikap na matulungan ang mga tao na matuto nang higit pa tungkol sa kahanga-hangang mga layunin ni Jehova, ang report ay nagsasabi: “Dahilan sa neutral na paninindigan ng mga lingkod ni Jehova, marami sa ating mga kapatid ang nakabilanggo, malimit ay sunud-sunod ang sentensiya sa kanila. Sila’y ginugulpe nang husto, hinahagupit, at sa lahat ng paraan ay ginigipit upang labagin nila ang kanilang mga budhing Kristiyano. Sa isang kaso, pagkatapos ng makahayop na panggugulpe na hindi naman nakaakay sa kapatid upang tumalikod, nagsabuwatan ang mga ilang sundalo upang patayin siya. Nang isang nakatataas na opisyal ang nakabalita ng kanilang gagawin, siya mismo ay namagitan at lihim na pinalipat siya sa ibang siyudad, at sa gayo’y nakaligtas ang kaniyang buhay.”

Ang pag-uusig na ito ay hindi nakapagpahinto sa mga Saksi ni Jehova sa pangangaral ng mabuting balita gaya ng iniutos ng Diyos. (Mateo 24:14) Sila’y pinalalakas ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang espiritu at pinagpapala ang kanilang tapat na paninindigan. Ang report buhat sa bansang ito ay nagsasabi rin: “Sa kabila ng labis-labis na kahirapan, gutom, sakit, isang malupit na giyera sibil, at pag-uusig, nagkaroon pa rin ng 17-porsiyentong pagsulong sa katamtamang bilang ng mga mamamahayag.” Ang bilang ng mga dumalo sa Memoryal ay sumulong ng 21 porsiyento, at 21 porsiyento ng lahat ng mga mamamahayag ay mga payunir noong Abril 1984.

Kaya’t ang ating mga kapatid ay maliligaya bagaman sila ay pinag-uusig. Sila’y nagtitiwala kay Jehova at nagugunita nila ang mga salita ni Jeremias: “Sila’y lalaban sa iyo, ngunit sila’y hindi mananaig laban sa iyo, sapagkat ‘Ako ay sumasa-iyo,’ ang sabi ni Jehova, ‘upang iligtas ka.’”​—Jeremias 1:19.

[Larawan sa pahina 27]

Inaalalayan ni Jehova ang kaniyang pinag-uusig na mga Saksi

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share