Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 7/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ikaw ba ay “Mayaman sa Diyos”?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Ang Kaluluwa Ayon sa Bibliya
    Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo ay Namatay?
  • Ano ba Talaga ang Mahalaga?
    Matuto Mula sa Dakilang Guro
  • Mayroon Ka Bang Imortal na Kaluluwa?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 7/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

◼ Sa paghahalimbawa ni Jesus tungkol sa isang taong mayaman na hindi mayaman sa Diyos, sino yaong “nila” na humingi ng kaluluwa ng nasabing tao?

Hindi ang anomang grupo ng mga tao o mga anghel ang tinutukoy ni Jesus. Sa Lucas 12:20 kaniyang ginamit ang isang walang katiyakang “nila” (sa NWT) bilang isang paraan lamang ng pagpapahayag ng mangyayari sa taong iyon.

Ang paghahalimbawang ito ay nasa Lucas 12:16-21. Ang taong mayaman dito ay hindi nasisiyahan sa kaniyang saganang materyal na mga bagay. Siya’y nagpatuloy ng pagbubuhos ng atensiyon sa kaniyang negosyo upang mapalago pa ang kaniyang kayamanan. Sinabi ni Jesus sa bandang huli: “Ngunit sinabi ng Diyos sa [taong mayaman], ‘ikaw na walang katuwiran, sa gabing ito ay hihingin nila sa iyo ang iyong kaluluwa. Kung gayon, mapapasa-kanino ang mga bagay na inihanda mo?’ Ganiyan nga ang taong nag-iimbak ng kayamanan para sa kaniyang sarili ngunit hindi mayaman sa Diyos.”

May mga salin na hindi gaanong mariin, tulad baga ng “sa mismong gabing ito ang iyong kaluluwa ay hihingin sa iyo.” (New American Standard Bible) “Sa mismong gabing ito hihingin sa iyo ang iyong kaluluwa.” (The Jerusalem Bible) “Sa mismong gabing ito ang iyong buhay ay hihingin.” (The Twentieth Century New Testament) “Sa gabing ito ang iyong kaluluwa ay hihilingin.” (Byington) Gayunman, sa Hebreo (na siyang wikang ginamit ni Jesus) at sa Griego (ang wikang ginamit ni Lucas sa pagsulat) ay ginagamit ang isang walang katiyakang anyo ng ikatlong panauhan. Ang tekstong Griego sa Lucas 12:20 ay literal na nagsasabi “sa gabing ito ang kaluluwa mo ay hihingin nila sa iyo.” Ang pandiwa ay nasa ikatlong panauhan pangmaramihan. Samakatuwid, imbes na baguhin iyon upang mapasa isang anyong di-mariin (tulad sa mga binanggit na halimbawa), ang pagkasalin ng New World Translation at ng iba pa ay “hihingin nila.”

Datapuwat, makabubuti na huwag nating tulutan na ang mga teknikalidad ng gramatika ay magpalabo sa malinaw na payo ni Jesus tungkol sa materyalismo. Siya’y walang espesipikong binanggit tungkol sa kung paano mamamatay ang taong mayaman. Ang punto ay na tiyak na kukunin sa taong iyon ang kaniyang kaluluwa, o buhay sa gabing iyon. Ngunit ano ang kaniyang katayuan sa Diyos? Sinoman sa atin ay maaaring maging totoong abala sa pagpapalago ng ating materyal na mga ari-arian at hindi maging mayaman sa harap ng Diyos. Ang daigdig ng negosyo ay laging nanghihikayat upang magkaroon ka ng damdamin na ‘palaguin mo pa.’ Kahit na ang mga taong ang mga kompanya’y nagtutubo nang labis-labis sa mga benta kapalit ng angaw-angaw na mga dolyar, pound, mark, at iba pa, ay maaaring matukso na mahigitan pa iyon​—higit pang mga empleyado, benta, tubo, luho, pera sa bangko. Ang tanong ni Jesus ay kapit din sa ngayon gaya noong unang itanong niya ito: “Kung gayon, mapapasa-kanino kaya ang mga bagay na inihanda mo?”​—Lucas 12:20.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share