Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 11/1 p. 10
  • Ang Natatanging mga Kombensiyon sa Argentina

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Natatanging mga Kombensiyon sa Argentina
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Kombensiyon—Katunayan ng Ating Pagkakapatiran
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Kayo’y Maligayang Tinatanggap sa 1985 na Kombensiyon ng mga “Nag-iingat ng Katapatan”!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • 1998-99 “Ang Daan ng Diyos Ukol sa Buhay” na mga Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1998
  • 1986 “Banal na Kapayapaan” na Pandistritong Kumbensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 11/1 p. 10

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Ang Natatanging mga Kombensiyon sa Argentina

“ANG mga Saksi ni Jehova ay natuto na magkatipon nang walang karahasan o imoralidad, walang paninigarilyo o alak, walang anumang pagmamalabis. Tiyak nga, ito’y isang aral para sa isang lipunan na kagaya ng sa atin, na kinikilalang Katolisismo ang itinataguyod, subalit nahihirapan na pangalagaan ang lubhang karamihan ng mga tao sa mga palaruan ng football na kung saan kasabay na nagaganap ang mga kaguluhan, kung minsa’y humahantong sa kapahamakan,” ang pag-uulat ng magasing Flash sa Argentina. Ang komentong ito ay may kaugnayan sa isa sa apat na “Tagapag-ingat ng Katapatan” na mga Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova na ginanap sa Argentina noong Pebrero 1986. Oo, ganiyan na lang ang kagalakan ng mga kapatid nang masaksihan nila ang pagdalo ng 97,736 katao sa apat na mga kombensiyon. Iyon ay isang masayang okasyon na makasama nila ang halos 600 na mga kapatid nila buhat sa 19 na iba pang mga bansa at 5 kontinente ang nakipagkombensiyon sa kanila. Sila’y galak na galak din nang malaman nila na sa nagsidalong 97,736, humigit-kumulang 40,000 ang mga interesado na bago lamang nakikiugnay sa kanila.​—Awit 122:1.

Ang mga pahayagan ay nagbigay din ng magandang komendasyon sa mga kombensiyunista dahilan sa kanilang mahusay na organisasyon at paggawi. Itinampok ng pahayagang La Razon ang sumusunod tungkol sa kombensiyon sa Buenos Aires sa River Plate Stadium na kung saan 57,000 ang dumalo: “Maayos, malinis, at kapuna-puna ang katahimikan, na umiral . . . Nasaksihan sa dumalong mga magkakapananampalataya at sa organisasyon na walang maipipintas . . . na may kaayusan na pambihirang matatagpuan sa pagtitipon ng napakaraming tao.”

Ang pahayagan na La Nacion ay nagkomento tungkol sa kombensiyon na ginanap sa Rosario na kung saan 15,000 ang nagsidalo: “Bagama’t napakarami ang mga taong inanyayahan ng mga Saksi ni Jehova, wala kang makikita roon na kahit isang pulis, at walang maipipintas sa umiral na kaayusan.”

Ang mga delegado ay gumamit ng lahat ng uri ng transportasyon upang makarating sa mga kombensiyong ito: mga eruplano, tren, bus, kotse, at bisikleta. Mahigit na 870 bus at isang tren ang inupahan upang ang mga delegado buhat sa Rio Negro Valley sa gawing timog ng bansa ay ihatid sa kombensiyon sa River Plate. Isang taong interesado ang namisikleta nang may apat na araw, 800 kilometro (500 mi), upang makadalo sa kombensiyon sa Córdoba.

Bakit ganiyan na lamang ang kanilang pagsisikap na makadalo? Sapagkat ang mga Saksi ni Jehova ay lubhang palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan. (Mateo 5:3) Ganito ang puna ng pahayagang Clarin: “Ang kusang-loob na payo, ang mga paliwanag sa Bibliya, ay maingat na sinubaybayan ng libu-libong mga lalaki at mga babae na, habang isinusulat ang mga nota pagka binanggit ang isang teksto sa Bibliya, ay nagbuklat ng Banal na Kasulatan at hinanap ang siniping mga teksto.” Ganito naman ang sabi ng La Voz del Interior sa Cordoba: “Sa asamblea ay idiniin ang pangangailangan na matuto kung paano tutupdin nang maingat ang kautusan ng Diyos, hanggang sa mga detalye na gaya baga ng pakikihalubilo sa iba, musika, at personal na kasuotan.”

Upang ipakita ang epekto ng iniharap na impormasyon, isang lalaki ang nagsabi ng ganito pagkatapos ng kombensiyon: “Mula ng araw na iyon [ng pagdalo sa kombensiyon] patuloy hanggang ngayon, lubusang nabago ang aking buhay. Mas mahusay ang relasyon ko sa mga miyembro ng aking pamilya. Lalong bumuti kung ako’y magtrabaho. Galak na galak ako na nakilala ko kayo, na matalos na mayroon pa ring mabubuting tao ngayon, mga tao na tumutulong sa kanilang kapuwa dahil sa pag-ibig kay Jesus. Mga babaing nakapanamit nang may kahinhinan, walang naninigarilyo o umiinom. Isang tunay na paraiso, na pagkarami-raming mga tao na nagkakaisa at namumuhay na para bagang sila’y isang malaking pamilya.”

Ang ganiyang mga komento ang tumutulong sa atin upang maunawaan na nangyayari ang gayong kaayusan at pag-iibigan sa pamamagitan ng espiritu ni Jehova.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share