Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 12/1 p. 21
  • Nahahalata ang Pagpapala ng Diyos sa Venezuela

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nahahalata ang Pagpapala ng Diyos sa Venezuela
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1985
  • Pagsasayá sa Gitna ng Bayan ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Inuuna Ko si Jehova sa Lahat ng Desisyon Ko
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2021
  • Mabuting Balita Buhat sa Norway
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 12/1 p. 21

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Nahahalata ang Pagpapala ng Diyos sa Venezuela

ANG gawain ng mga Saksi ni Jehova sa Venezuela ay tunay na pinagpala. (Awit 3:8) Noong 1985 ang bilang ng mga mamamahayag ay sumulong ng 16 porsiyento sa naunang taon at noong Pebrero 1986 ay umabot sa sukdulang dami, may 31,247 mga mamamahayag ng mabuting balita. Ang mga regular payunir ay umabot sa 2,291 noong Pebrero, ang ika-38 na sunud-sunod na pinakamataas na bilang! Sa kabuuan ay mayroong 50,659 mga pag-aaral sa Bibliya na idinaraos sa interesadong mga tao. Ang iba sa mga indibiduwal na ito ay nakaalam ng katotohanan sa ilalim ng pambihirang mga kalagayan.

◻ Isang kabataang lalaki na may asawa ang napatanyag bilang isang palikero sa mga babae. Hindi mabuti ang lakad ng mga bagay-bagay para sa kaniya. Kaniyang natiyak noon na ang kaniyang maybahay ay lumapit sa isang mangkukulam upang siya’y ipakulam dahilan sa kaniyang pakikitungo sa mga ibang babae. Kaya’t siya’y humanap ng isang mangkukulam upang labanan naman ang pangkukulam sa kaniya at siya’y pinalapit sa isang babae. Subalit, ang babaing ito ay nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at huminto na sa pangkukulam. Sinabi ng babaing ito sa nasabing lalaki na hindi niya matutulungan siya, ngunit kaniyang mabibigyan ang lalaki ng isang direksiyon na maaari niyang puntahan at hingan ng tulong. Iyon pala ay direksiyon ng Kingdom Hall. Ang lalaki ay nagpunta roon​—mahaba ang buhok, hindi nakapag-aahit, at pangit ang pananamit. Ganiyan na lang ang kasiyahan niya sa pulong kung kaya’t bumalik siya noong dulo ng sanlinggong iyon, kasama ang kaniyang tatlong maliliit na anak. Sa pagkakataong ito ay nagpagupit na siya ng buhok, at maayos ang kaniyang damit at nakapag-ahit na rin. Sa ngayon, siya’y isang mamamahayag ng mabuting balita. Ang kaniya bang maybahay ay natutuwa na kaniyang inihinto ang pagkapalikero sa ibang babae? Hindi, sa halip ito ay naging mahigpit na mananalansang! Subalit ang mga pagbabagong nakita sa kaniyang buhay ay lubhang hinangaan ng marami pang iba na kakilala niya, at nabuksan ang daan upang sila ay makarinig din naman ng mensahe ng katotohanan.

◻ Sa isang bayan malapit sa hangganan ng Colombia, ang pari roon ay naglunsad ng kampaniya laban sa mga Saksi. Ang pangalang mga “Saksi ni Jehova” ay iginuhit niya sa malalaking pulang letra at ipinaskil sa information board sa kaniyang simbahan at sa ibaba niyaon ay sinulatan niya ng mga ilang masasamang propaganda laban sa kanila. Isang miyembro ng kanilang relihiyon ang nakakita sa pangalan na prominente ang pagkadispley at, hindi na binasa ang impormasyon na kasunod, ay nabuo sa isip niya na aprobado ng relihiyon nila ang mga Saksi ni Jehova. Kaya’t siya’y naparoon sa isang pulong ng mga Saksi at nagustuhan niya ang kaniyang nakita at narinig. “Ang totoo,” ang sabi ng report, “dahil sa pangangampanya ng pari ay marami ang naging interesado imbis na kumaunti.” Marami ang ngayo’y gustong makipag-aral at lumalapit pa man din sila sa mga Saksi sa lansangan at itinatanong kung kailan sila dadalaw uli.

◻ Dahilan sa isang maikling pahayag tungkol sa mga patay sa puntod ng isang bagong kababautismong sister ang isang pamilya sa Venezuela ay nakakilala ng katotohanan. Isang army major at ang kaniyang pamilya, mga kamag-anak ng inilibing na sister, ay matamang nakinig sa pahayag buhat sa Kasulatan at pagkatapos ay kanilang inanyayahan sa kanilang tahanan ang nagpahayag upang higit pang maipaliwanag sa kanila ang mga teksto sa Bibliya na binanggit. Ang resulta? Ang major ang pasagutin natin:

“Kami ng aking maybahay ay naging interesado at nais na suriin ang Bibliya. Sa primero ang hangad ko ay ipakilala na ako’y tama sa aking relihiyong Katoliko. Datapuwat, tuwing ipangangatuwiran ko ang isang punto, ang kapatid na nagdaraos ng pag-aaral ay maghaharap naman ng makatuwirang aral ng Bibliya. Sa bandang huli, mapakumbabang nakilala ko na ang mga Saksi ni Jehova pala ang may taglay na katotohanan. Sa ngayon, kami ng aking maybahay ay mga Saksi ni Jehova, at ang aking mga anak ay nag-aaral ng Bibliya. Pinasasalamatan ko ang tanging tunay na Diyos, si Jehova, na ikinalulugod kong paglingkuran bilang isang kawal, hindi sa pamamagitan ng makalamang mga sandata sa digmaan kundi sa pamamagitan niyaong mga ibinibigay ng espiritu ng Diyos, ayon sa 2 Corinto 10:4, 5.”

Oo, saganang pinagpala ni Jehova ang kaniyang mga lingkod sa Venezuela. Ngayong may pambihirang dami ng dumalo sa Memoryal na makaapat na beses ang dami sa bilang ng mga mamamahayag, may malaking potensiyal para sa higit at higit pang pagsulong sa mga taóng darating.

[Chart sa pahina 21]

Mga ilang peaks para sa Venezuela na batay sa Pebrero 1986 report:

31,247 mamamahayag

2,291 payunir

50,659 mga pag-aaral sa Bibliya

“Ang iyong pagpapala ay sumasa-iyong bayan.”​—Awit 3:8

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share