Poligamo at Doktor-Kulam ang Tumanggap ng Katotohanan
ISANG lalaking Aprikano na nagngangalang Isaac, kasama ang ilan pang mga lalaki, ang umalpas sa Iglesya Apostolika ng kaniyang nayon dahil sa hindi ginagawa niyaon ang ipinangangaral. Nang malaon ang lahat, kasali na ang kani-kanilang mga asawang babae, ay naging mga Saksi ni Jehova—maliban kay Isaac. Kanilang minabuti na dalawin siya at sabihin sa kaniya na kanilang nasumpungan na ang katotohanan. Samantala, si Isaac ay naging isang matagumpay na doktor-kulam at siya’y nagkaroon ng maraming asawa. Pagkatapos na pag-aralan ang broshur na Tamasahin ang Buhay sa Lupa Magpakailanman! upang ihambing doon ang istilo ng kanilang pamumuhay, iniwan na ni Isaac ang kaniyang malakas na hanapbuhay bilang isang doktor-kulam, at hiniwalayan na rin niya ang kaniyang mga asawa maliban sa unang-unang asawa niya. Kaniyang pinakasalan ang kaniyang asawang iyon, na noon ay 63 (siya naman ay 68). Sang-ayon sa kaniya siya ay “maligayang-maligaya at libre na, hindi na natatakot sa mga espiritu.”