Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 2/15 p. 21
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Pangalang “Nagbibigay-Pagkakasala”?
  • Ang Tipanan: Isang Kasunduan?
  • Ibinagay sa Modernong Teknolohiya
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • Pakikipagtipan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • May Pakinabang Ka ba sa Kasaysayang Relihiyoso?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Bahagi 16—ika-9–ika-16 na siglo C.E.—Isang Relihiyon na Lubhang Nangangailangan ng Pagbabago
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 2/15 p. 21

Ang Kahulugan ng mga Balita

Isang Pangalang “Nagbibigay-Pagkakasala”?

Ang hindi pagbigkas sa pangalan ng Diyos, ang pagsulat niyaon na basta JHWH, ang pagbigkas niyaon ng “Panginoon,” ay isang rekomendasyon na dapat tanggapin, ang sabi ng peryodikong Katoliko na Com-nuovi tempi. Ito ang reaksiyon sa isang petisyon na iniharap ng “Association for Jewish-Christian Friendship” ng Roma at nilagdaang sama-sama ng tanyag na Katoliko at Judiong mga teologo at mga iskolar. Ang petisyon ay humiling na “ang mga tagalathalang kompanya at ang patnugutan ng mga pahayagan at mga magasin” ay huminto ng paggamit sa pangalang “Jahweh” sapagkat ito ay “nagbibigay-pagkakasala sa mga Judio, na ang turing sa pangalan ng Diyos ay na hindi ito maaaring bigkasin.” Ang kanilang kahilingan, ang sabi ng Association, ay salig sa isang “malaon nang tradisyong Judio” na “napamalagi nang patu-patuloy” hanggang sa ngayon.

Subalit ang mga Kristiyano ba’y dapat akayin ng mga tradisyong Judio? Matuwid ba para sa kanila na itabi ang pangalan ng Diyos at iwasan ang pagbigkas niyaon? Ipinakikita ng Bibliya na ibig ng Diyos na lahat ay makaalam na siya, “na ang pangalan ay Jehova,” ang Kataas-taasan. (Awit 83:18; Ezekiel 38:23; Malakias 3:16) Si Jesus ang nagpakita ng halimbawa tungkol dito. Imbis na sumunod sa mga tradisyong Judio na “nagpapawalang kabuluhan sa salita ng Diyos,” kaniyang tinuruan ang kaniyang mga tagasunod na manalangin: “Pakabanalin nawa ang iyong pangalan.” (Mateo 6:9; 15:6) At mga ilang oras lamang bago sumapit ang kaniyang sakripisyong kamatayan, sinabi niya sa panalangin: “Ipinakilala ko ang iyong pangalan [sa mga alagad] at ipakikilala ko.”​—Juan 17:26.

Ang Tipanan: Isang Kasunduan?

Ang dalagang taga-Brazil at ang kaniyang nobyo ay katatapos lamang ng paglalagay ng mga kagamitan sa kanilang bagong tahanan. Ang mga imbitasyon ay naipadala na sa kung kani-kanino, at lahat ay wari ngang areglado na para sa kanilang kasal, may tatlong araw na lamang bago sumapit. Inaasam-asam ang bagong buhay na tatamasahin niya, ang nobya ay nagbitiw na sa kaniyang trabaho. Pagkatapos, walang kaabug-abog, ang nobyo ay kumalas sa tipanang iyon. Ganiyan na lamang ang kabiglaanan at pagkasira ng loob ng itinakwil na nobya kung kaya’t siya’y nagharap ng sakdal. Ayon sa argumento ng kaniyang abugado ang ‘tipanang pakasal ay isang patiunang kasunduan, at kung sisirain nang walang dahilan, ang inosenteng panig ay dapat na bayaran para sa anumang tinamong pinsala.’ Sumang-ayon naman ang hukuman at iniutos sa lalaki na bigyan ang kaniyang dating nobya ng ‘isang dote na katumbas ng isang legal na sahod na isinaayos antimano at magbayad ng mga gastos sa hukuman at sa mga abugado.’ Bilang komento sa desisyon, ang abugadong si Nereu Mello, ay sumulat sa pahayagang Jornal da Lapa ng São Paulo: “Ang tipanan sa kasal ay isang napakaseryosong kasunduan at ang pagsira rito ay hindi ipinagwawalang-bahala sa harap ng Batas.”

Ang ganitong pagkakilala sa pagkaseryoso ng tipanan sa pagpapakasal ay hindi na bago. Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko ang isang ipinakipagtipang babae na nakiapid ay tumatanggap ng ganoon ding parusa na ipinapataw sa isang babaing may-asawa na nangalunya. Sa ganoon ay naiiba ang trato sa kaniya kaysa isang dalaga na nakiapid. (Deuteronomio 22:23, 24, 28, 29) Noong sinaunang panahon ay itinuturing na may bisa ang tipanan​—na para bagang ang dalawang magkasintahan ay kasal na. (Mateo 1:19) Ang mga Kristiyano sa ngayon ay kumikilala rin sa tipanan bilang isang seryosong hakbang. Hindi nila itinuturing iyon na biru-biro.​—Ihambing ang Mateo 5:37.

Ibinagay sa Modernong Teknolohiya

Pagkatapos na magreklamo si Martin Luther laban sa pagbibili ng mga indulhensiya (pagkapuwera sa mga ilang anyo ng parusa sa kasalanan), ang gawaing iyan ay ibinawal ng Iglesya Katolika Romana noong 1562. Subalit ang opisyal ng Vaticano na si Pedro Albellan ay mariing nagsabi kamakailan na ang turo tungkol sa pagbibigay ng mga indulhensiya ay namamalaging “may bisa at di-nababago.” Isang rebisadong manwal na Romano Katoliko tungkol sa mga indulhensiya ang nagpapakita na ang sinaunang paniniwalang ito ay ibinagay ng Vaticano sa modernong teknolohiya. Sang-ayon sa The Times ng London, ang mga obispo ay maaari na ngayong “magkaloob ng isang buong indulhensiya sa kanilang mga mananampalataya sa pamamagitan ng radyo o telebisyon tatlong beses isang taon pagka sila’y nagbendisyon sa pangalan ng Papa.” Gayunman, mayroong isang restriksiyon. “Ito’y kailangang isang live transmission,” ang sabi ni Luigi De Magistris ng Sacred Apostolic Penitentiary ng Vaticano, ang tanggapan na may kinalaman sa mga indulhensiya. “Ang panonood ng isang replay ay hindi sapat.”

Subalit sa ipinagbili man o ibinigay mismo nang personal o sa pamamagitan ng TV, ang mga indulhensiya kaya ay maka-Kasulatan? Bagama’t si Jesus, paminsan-minsan, ay malayang nagpapatawad ng mga kasalanan, wala siyang sinabing anuman tungkol sa pangangailangan ng mga indulhensiya. Gayundin naman ang mga apostol. “Ang dugo ni Jesus na Anak [ng Diyos] ang lumilinis sa atin buhat sa lahat ng kasalanan,” ang isinulat ni apostol Juan. “Kung ating ipagtatapat ang mga kasalanan natin, siya ay tapat at matuwid upang patawarin tayo sa ating mga kasalanan at linisin tayo sa lahat ng kasamaan.” (1 Juan 1:7, 9) Kung lahat ng mga kasalanan ay pinatatawad nga, ano pa ang natitira upang pagbayaran sa pamamagitan ng parusa o takpan sa pamamagitan ng mga indulhensiya?​—Juan 3:36; Roma 5:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share