Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 3/15 p. 21-23
  • Isang Nagagalak na Bayan—Bakit?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Nagagalak na Bayan—Bakit?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkasumpong ng Kagalakan sa Gawaing Pag-eebanghelyo
  • Pagkasumpong ng Kagalakan sa Pagsulong ng Kaharian
  • Pananaig sa mga Balakid sa Kagalakan
  • Ang Pagtitiis Bilang Isang Maligayang Bayan
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Taglay ang Kagalakan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1988
  • Kagalakan—Isang Katangian Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Maglingkod kay Jehova Taglay ang Kagalakan ng Puso
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
  • Pagkatagpo ng Kagalakan sa Magulong Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 3/15 p. 21-23

Isang Nagagalak na Bayan​—Bakit?

ANG mga tunay na Kristiyano sa ngayon ay isang nagagalak na bayan. Higit sa lahat, tayo’y naglilingkod sa “maligayang Diyos,” si Jehova. (1 Timoteo 1:11) Kaniyang binibigyan tayo ng kaniyang espiritu, at isang bunga ng espiritung iyon ay kagalakan.​—Galacia 5:22.

Ang ganiyang malalim ang pagkakaugat na kagalakan ay aktibo at nananaig sa mga panggigipit. Halimbawa, si Jesu-Kristo ay dumanas ng kirot ng pagkabayubay sa tulos at ng kahiya-hiyang kamatayan na katulad ng isang mamumusong. Gayunman, “dahil sa kagalakang nakaharap sa kaniya ay pinagtiisan niya ang isang pahirapang tulos.” (Hebreo 12:2) Batid ni Jesus na nakaharap sa kaniya ang dakilang mga pagkakataon at mga pribilehiyo dahil sa kaniyang paglilingkod kay Jehova. Ang pagtutuon ng kaniyang pansin sa hinaharap na mga pribilehiyong ito ang tumulong sa kaniya na mapanatili ang kaniyang kagalakan sa gitna ng pagdurusa.

Nais ni Jesus na ang kaniyang mga alagad ay magkaroon din ng kagalakan. Sinabi niya: “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay suma-inyo at ang inyong kagalakan ay malubos.” (Juan 15:11) Ito’y napatunayan na totoo tungkol sa mga Saksi ni Jehova sa ngayon. Marami ang mga dahilan kung bakit tayo ay isang bayang nagagalak. Alam natin ang katotohanan, na nagpalaya sa atin buhat sa pagkagapos sa pamahiin at mga paniwala ng huwad na relihiyon. (Juan 8:32) At, alam natin kung nasaan na tayo sa agos ng panahon at nagagalak tayo dahil sa kay lapit-lapit-nang-matupad na pag-asa ng kaligtasan. (Lucas 21:28) Tayo ay nailalayo rin naman sa marami sa mga problema​—kabilang na ang mga sakit na likha ng seksuwal na pagtatalik​—na kinakaharap ng mga taong hindi sumusunod sa moralidad ng Bibliya. Mayroon tayong pinakamaiinam na kahalubilong mga tao na interesado sa pagsasagawa ng kalooban ni Jehova. At, siyanga pala, mayroon tayo ng dakilang pribilehiyo na makibahagi sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian at ng paggawa ng mga alagad sa mga taong tulad-tupa.​—Mateo 24:14; 28:19, 20.

Subalit samantalang ito’y totoo tungkol sa mga Saksi ni Jehova bilang isang kabuuan, kumusta ka naman bilang isang indibiduwal? Bakit masasabi na may dahilan kang magalak kasama ng iba pang mga lingkod ni Jehova?

Pagkasumpong ng Kagalakan sa Gawaing Pag-eebanghelyo

Mayroong iba na nahihirapang mangaral sa bahay-bahay. Baka sila ay nahihirapan na lumapit sa mga taong hindi nila kilala at makipag-usap sa mga ito. O baka naman inaakala lamang nila na kulang sila kung sa pagtuturo sa iba. Ganiyan ba kung minsan ang nadarama mo? Kung gayon, paano ka makasusumpong ng kagalakan sa gawaing pag-eebanghelyo?

Una sa lahat, magkaroon ng positibong saloobin. Maraming tao ang labis na natutuwa kung sila’y empleado ng isang tanyag na tao o kilalang pulitiko. Subalit lalong malaking kagalakan ang dapat suma-atin kung tayo’y ginagamit ng “Haring walang-hanggan,” si Jehovang Diyos mismo!​—1 Timoteo 1:17.

Tandaan din naman na ito’y isang gawain na hindi na kailanman mauulit. Isip-isipin lamang! Ang mga anghel ang pumapatnubay at umaakay sa mga Kristiyano rito sa lupa sa kanilang pagsisikap na matagpuan ang mga taong tulad-tupa. (Apocalipsis 14:6) Hindi ba ito nagdadala ng kagalakan sa iyong puso?

Pagkasumpong ng Kagalakan sa Pagsulong ng Kaharian

Ang isa pang dahilan upang magkaroon ng positibong pangmalas sa pangangaral ay ang mabuting epekto nito. Inihula ng Bibliya: “Ang munti ay magiging isang libo, at ang maliit ay isang makapangyarihang bansa. Ako, si Jehova, ang magpapabilis nito sa takdang panahon.” (Isaias 60:22) Ang pangakong ito ni Jehova ay natupad kamakailan lamang. Halimbawa, noong 1986 taon ng paglilingkod, 225,868 ang nabautismuhan bilang sagisag ng kanilang buong-kaluluwang pag-aalay sa Diyos na Jehova. Nagkaroon ng pagsulong na 6.9 porsiyento sa katamtamang bilang ng nakikibahagi sa pagpapalaganap sa iba ng mga katotohanan ng Bibliya.

Walang alinlangan na ang pagsulong na ito ay makikita sa inyong sariling kongregasyon o sirkito. May mga baguhan na dumadalo sa mga pulong at gumagawa ng kinakailangang mga pagbabago sa kanilang buhay upang makapaglingkod sa Diyos. Hindi ba ito nagpapatunay na ang gawaing pangangaral ay pinagpapala ni Jehova? Ang pagkakaroon ng bahagi sa pagsulong na ito ay maaari kung gayong pagmulan ng malaking kagalakan sa iyo. Totoo, marahil ay hindi ka personal na nakipag-aral sa isang indibiduwal hanggang sa punto ng kaniyang pagpapabautismo. Subalit hindi natin maipagmamalaki na tayo ang nakapagdala sa isang tao sa katotohanan. ‘Ang Diyos ang nagpapalago niyaon,’ ang sabi ni Pablo. (1 Corinto 3:6-9) Lahat ng mga miyembro ng kongregasyon ay may bahagi sa pagtulong sa mga baguhan. Paano? Sa pamamagitan ng pagiging presente sa mga pulong, pagkukomento, pagbati sa mga baguhan, at paggawi sa paraan na ang katotohanan ay nagiging kaakit-akit sa iba.

Gayunman, lalong malaking kagalakan ang matatamo kung ikaw ay mayroong lalong tuwirang bahagi sa pangangaral sa bahay-bahay at pantahanang pag-aaral ng Bibliya. Noong nakalipas na taon, sa katamtaman, 2,726,252 mga lingguhang pag-aaral sa Bibliya ang idinaos. Bakit hindi lalong magsumikap na makibahagi sa masayang gawaing ito? Mag-alok ka ng pag-aaral ng Bibliya sa kaninumang kilala mo, sa isang kapitbahay o sa isang indibiduwal na sa kaniya’y nakapagpasakamay ka ng literatura. Hingan mo ng tulong si Jehova para makatagpo ka ng gayong tulad-tupang tao.

Pananaig sa mga Balakid sa Kagalakan

Kung sa bagay, kung inaakala ng isang taong hindi siya sapat na makapagtuturo sa iba, ito’y maaaring maging isang tunay na balakid sa pagkakaroon niya ng kagalakan sa ministeryo sa larangan. Subalit, alalahanin na “ang ating pagiging sapat na may kakayahan ay nanggagaling sa Diyos.” (2 Corinto 3:5) At sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon si Jehova ay naglaan ng maraming mahuhusay na pantulong para tayo’y maging epektibong mga ministro.

Una sa lahat, marami sa atin ang naglilingkod na sa Diyos ng matagal na panahon at maraming karanasan sa ministeryo sa larangan. Tayo’y maaaring makisama sa may karanasang mga ministrong ito sa kanilang gawain at matuto sa kanila. Isa pa, buwan-buwan mayroong maiinam na mungkahing napapalathala sa Ating Ministeryo sa Kaharian. At nariyan din ang aklat na Reasoning From the Scriptures, na pagkayaman-yaman sa impormasyon na magpapatalas sa ating kahusayang mangaral. Gamitin ang mga kasangkapang ito at maghanda ng lubusan para sa ministeryo sa larangan. Mag-isip ng bago at interesanteng mga paraan sa pagpapakilala ng inyong sarili sa bahay-bahay. O dili kaya’y pag-isipan ang iba’t ibang paraan upang maakit ninyo ang maybahay na sumali sa usapan. Habang ikaw ay nagiging lalong epektibo sa larangan, ang iyong sigla at kagalakan sa pangangaral ay tiyak na susulong.

Ang ministeryo ay lalong kawili-wili pagka tayo ay nakikipag-usap sa mga tao. Sa mga ilang teritoryo aaminin natin na ito ay isang problema. Puwede bang isaayos mo na lumabas sa larangan sa oras na maraming tao ang nasa tahanan, tulad halimbawa kung maaga sa gabi? Marami ang nakakasumpong na ang ganiyang paglabas ay epektibo. Puwede ka rin namang magkusang umuna ng pakikipag-usap sa mga tao saanman na matatagpuan sila​—sa mga lansangan, nakaupo sa mga upuan sa parke, naglilinis ng kanilang mga kotse. Tandaan na kailangan ng mga tao ang katotohanan at kasangkot dito ang kanilang buhay. Ito’y isang pangganyak sa iyo na madaig ang hilig mo na maging mahiyain. Bagama’t totoo na ang karamihan ng tao ay hindi makikitaan ng kaaya-ayang pagtugon, yaong mga tumutugon nang gayon ay nagdadala sa atin ng malaking kagalakan.

Datapuwat, isa sa pinakamalaking tulong sa ating pananatiling nagagalak ay ang panalangin. Idalangin kay Jehova na bigyan ka ng kaniyang espiritu upang magpatibay at magpalakas-loob sa iyo. Sinabi ni Pablo: “Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahilan sa kaniya na nagpapalakas sa akin.” (Filipos 4:13) Tayo man ay makadarama din ng ganiyan habang tayo’y natututong higit na tumiwala kay Jehova.

Ang Pagtitiis Bilang Isang Maligayang Bayan

Marami ang hindi nagpapahalaga sa ating gawain. Ito’y batid noon ni Jesus. Kaya’t nang suguin niya ang kaniyang mga tagasunod upang mangaral, kaniyang ipinayo sa kanila: “Saanman na hindi kayo tanggapin ng sinuman o pakinggan ang inyong mga salita, paglabas ninyo sa bahay na iyon o sa lunsod na iyon ay ipagpag ninyo ang alabok ng inyong mga paa. . . . Narito! sinusugo ko kayo na gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo; kaya naman patunayan ninyong kayo’y maingat na gaya ng mga ahas ngunit walang malay na gaya ng mga kalapati.” Sinabi rin ni Jesus: “Ang mismong mga buhok ninyo sa ulo ay pawang bilang. Kaya huwag kayong matakot.”​—Mateo 10:11-16, 30, 31.

Ang mga salitang ito ay tumutulong sa atin na magtiis nang may kagalakan. Tinutulungan tayo na matalos na pagka tayo’y nakatagpo ng mga taong hindi nagpapahalaga sa ating mga pagsisikap alang-alang sa kanila, ipinakikilala pa rin natin ang pangalan ni Jehova; atin pa ring pinupuri siya. (Awit 100:4, 5) Kawili-wiling banggitin, kung minsan ang mga maybahay na ayaw magbukas ng pintuan ay maririnig mo na nagsasabi sa iba: “Iyon ay mga Saksi ni Jehova.” Oo, bagama’t tayo’y hindi nagsasabi ng kahit isang salita, ang pangalan ni Jehova ay dinadakila, at ang mga tao ay nagkaroon ng pagkakataon na tanggapin o tanggihan ang katotohanan. (Mateo 25:31, 32) Kaya naman kahit na ang mga teritoryong hindi tumutugon sa atin ay maaaring mapagtiisan nang may kagalakan.

Bukod dito, hindi natin alam kailanman kung kailan ang gayong mga tao ay baka magbago ng saloobin. Isang araw, isang babae na kung ilang beses nang nagsara ng kaniyang pintuan sa isa nating sister na Kristiyano ang nagtanong sa sister kung siya’y may dalang mga bagong babasahin. Nagtaka ang kapatid na babae at nagsabi na ang babaing iyon ay dati’y hindi tumatanggap ng literatura sa Bibliya. Sinabi ng babae na ang kaniyang asawa ay may kasamahan sa trabaho na isang lalaking nakikipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Ang lalaking iyon ay nagbigay sa kaniya at sa kaniyang asawa ng isa sa mga lathalain ng Samahang Watch Tower. Bilang pag-uusyoso, binasa iyon ng babae at kaniyang nakikilalang ang mensahe niyaon ay katotohanan. Kaya kaniyang ipinasiya nang mismong sandaling iyon na pagka isang Saksi ang dumalaw sa kanila ay kaniyang tatanggapin siya. Isang pantahanang pag-aaral sa Bibliya ang pinasimulan, at nang maglaon ang babae ay naging isang nag-alay na saksi ni Jehova!

Tayo kung gayon ay may dakilang pribilehiyo​—isang maligayang pribilehiyo​—ng pagbabalita ng tanging mensahe ng pag-asa sa sanlibutan. At ang pangangaral ang atas na ibinigay ng Diyos sa atin sa mga huling araw na ito. Kailangang maisagawa ito bago sumapit ang wakas. (Mateo 24:14) Gaano pa kayang katagal bago sumapit ang wakas ng balakyot na sistema ni Satanas? Batid natin na ang wakas ay hindi maaatraso. (Ihambing ang Habacuc 2:3.) Samantala, may panahon pa para sa iba upang matuto ng katotohanan. Samantalahin natin ang natitirang panahong ito at maging masigasig ng pangangaral. At magkaroon tayo ng positibong saloobin, na puspusang nagpapagal upang ‘iligtas ang ating sarili at pati ng mga nakikinig sa atin.’ (1 Timoteo 4:16) Sa paggawa ng gayon, tayo’y mananatiling isang may kagalakang bayan na nakikibahagi sa pagsulong ng Kaharian.

[Larawan sa pahina 23]

Ang ating gawaing pag-eebanghelyo ay pinagmumulan ng tunay na kagalakan​—kahit na kung ang mga tao ay hindi tumutugon sa pabalita ng Kaharian

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share