Nauna ba kay Constantino ang Kristiyanong Krus?
“ANG pag-aantanda ay naging isang simbolo na antigung-antigo, makikita ito sa halos lahat ng kilalang kultura. Ang kahulugan nito ay naging mailap sa mga antropologo, bagaman ang paggamit nito sa paglilibing ay maaaring magpahiwatig ng pagsasanggalang laban sa masama. Sa kabilang panig, ang tanyag na crux ansata ng Ehipto, na inilalarawan na nanggagaling sa bibig, ay marahil tumutukoy sa buhay o hininga. Ang pansansinukob na paggamit ng pag-aantanda ay lalong nagpapatindi sa bagay na walang mga krus sa mga labí ng sinaunang Kristiyano, at lalong higit na walang anumang tinutukoy tungkol dito sa pangyayari sa Golgotha. Karamihan ng mga iskolar ay sumasang-ayon na ang krus, bilang isang artistikong pagbanggit sa nasabing pangyayari, ay hindi masusumpungan noon bago sumapit ang panahon ni Constantino.”—Ante Pacem—Archaeological Evidence of Church Life Before Constantine (1985), ni Propesor Graydon F. Snyder, pahina 27.