Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 11/15 p. 3-4
  • Nasapatan ba ng Relihiyon ang Ating Pangangailangan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasapatan ba ng Relihiyon ang Ating Pangangailangan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
    Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon!
  • Bakit Pa Magiging Interesado sa Ibang Relihiyon?
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
  • Isang Malapitang Pagmamasid sa Relihiyon
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 11/15 p. 3-4

Nasapatan ba ng Relihiyon ang Ating Pangangailangan?

SI Maria ay isang madreng Romano Katoliko nang may 21 taon. Siya’y lumaki sa isang kapaligiran na lubhang relihiyoso. Aba, kahit na noong siya’y isang bata, siya’y bumabangon sa gabi upang ipagdasal ang iba! Gayunman, dahil sa karalitaan, pagdurusa, at mga pang-aapi na umiiral sa kabila ng libu-libong taon ng impluwensiya ng relihiyon, kaniyang pinag-isipan ito: ‘Talaga nga kayang nasapatan ng relihiyon ang ating pangangailangan?’

Karamihan ng relihiyon ay nagtataguyod ng matataas na mithiin at mga simulain ng asal. Subalit ang relihiyon ay kalimitan minamalas na siyang lumilikha ng mga problema, anupa’t dinaragdagan pa nito ang ating mga paghihirap, imbis na sapatan ang ating pangangailangan. Halimbawa, pag-isipan ang mga komentong ito ng mga tagapagmasid sa larangan ng relihiyon: “Ang kaloob-loobang dahilan para sa pagkabarbaro ng tao ay relihiyoso.” (National Review) “Ang pangunahing motibo na nasa likod ng digmaan ay hindi na kasakiman kundi relihiyon.” (Toronto Star) “Ang Holocaust ‘ay walang ibang gumawa kundi bautismadong mga Kristiyano.’ ”​—The Tampa Tribune.

Kataka-taka nga ba kung ayaw maniwala ang mga tao na ang relihiyon ang makasasapat ng ating pangangailangan? Kanilang nakita ang mga ibinunga nito. Halimbawa, “ang Shinto, na katutubong relihiyon ng Hapon, ay hindi lamang buong pusong sumuporta sa makinarya sa digmaan kundi ito’y nagsilbing ang mismong saligan niyaon,” ang sabi ng The Christian Century. Ilang mga relihiyon ang gumawa niyan​—‘nagbigay ng buong pusong suporta sa makinarya sa digmaan’! Pag-isipan ang mga patayan at mga gantihan na ginawa ng mga Budhista at mga Hindu sa Sri Lanka, ang mga pagpapatayan at mga kalupitan na kinasasangkutan ng mga Katoliko at mga Protestante sa Ireland​—aba, waring walang katapusan ang listahan! “Ang mga Hindu, Muslim, Sikhs at ang iba pang mga sekta ay naglalaban-laban na at dumaranak ang dugo sa loob ng daan-daang taon sa India,” ang malungkot na sabi ng U.S. News & World Report.

Baka ang iba ay hindi minamalas ang relihiyon bilang isang lakas sa ikasasamâ, ngunit tiyak na ito’y hindi nila minamalas na isang mapuwersang lakas sa ikabubuti. Binanggit ng National Catholic Reporter “ang tradisyunal na pagkabigo ng simbahan na masapatan ang mga kagustuhan at pangangailangan ng tao.” At sinabi ng lathalaing Liberty na waring ang tingin ng lipunan sa klerigo ay isang “tagabasbas-tagapagbanal-tagapagbendisyon” na lumalabas lamang kung panahon ng seremonya. Isinusog pa nito: “Sa isip ng maraming tao siya ang ministro ng status quo.” Ganiyan ba ang pangmalas mo sa relihiyon​—malamang na hindi makapipinsala sa atin at gayundin malamang na hindi tayo magagawan nito ng maraming kabutihan?

Ang relihiyon sa ngayon ay lubhang kagaya ng relihiyon noong si Jesu-Kristo ay narito sa lupa. Sinabi niya na ang mga pinunong relihiyoso noong kaniyang kaarawan ay nagpupuri sa Diyos sa kanilang mga labi lamang. Ang resulta ng kanilang mga gawa ay na kanilang dinagdagan pa ang mga pasanin ng mga tao sa halip na sapatan ang kanilang pangangailangan. “Sila’y nagbibigkis ng mabibigat na pasanin at ipinapapasan sa mga tao,” ang sabi niya. (Mateo 23:4) Sa ngayon, marami ang naipapangako ng relihiyon ngunit waring kakaunti ang nagagawa. Kaya’t mayroon bang dahilan upang maniwala na masasapatan ng relihiyon ang ating pangangailangan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share