Taunang Pulong—Oktubre 1, 1988
ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay gaganapin sa Oktubre 1, 1988, sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Isang patiunang pulong ang gaganapin sa ika-9:30 n.u., pagkatapos ay susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa ganap na ika-10:00 n.u.
Ang mga miyembro ng Korporasyon ay dapat magbigay-alam sa Tanggapan ng Kalihim ngayon tungkol sa anumang pagbabago sa kanilang direksiyon sa koreo noong nakaraang taon upang ang regular na mga liham ng patalastas at proxies ay makarating sa kanila sa madaling panahon pagkatapos ng Agosto 15.
Ang proxies, na ipadadala sa mga miyembro kasama ang patalastas tungkol sa taunang pulong, ay ibabalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Samahan hindi lalampas sa Setyembre 1. Dapat makompleto ng bawat miyembro ang kaniyang proxy at ibalik kaagad, na sinasabi kung siya ay personal na dadalo sa pulong o hindi. Ang impormasyon na ibinigay sa bawat proxy ay dapat na tiyakan sa puntong ito, sapagkat ito ang pagbabatayan sa pagtiyak kung sino ang personal na dadalo.
Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga pag-uulat, ay matatapos sa ganap na ika-1:00 n.h. o hindi magtatagal pagkaraan. Hindi magkakaroon ng sesyon sa hapon. Dahilan sa limitadong espasyo, yaon lamang mga may tiket ang tatanggapin. Walang kaayusan na ang taunang pulong ay ikukonekta ng telepono sa mga ibang lokasyon.