Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 2/1 p. 21
  • ‘Hinog na ang Aanihin’ sa Burma

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Hinog na ang Aanihin’ sa Burma
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Nangyari Ito sa Dinam
  • Nakuha ang Katotohanan Buhat sa Isang Itinapong Aklat
  • Ang mga Pagpapala sa Ministeryong Pagpapayunir
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Si Jehova, ang Aking Pinagtitiwalaan Mula Pa sa Kabataan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Pagpapakita ng Pagpapahalaga sa Paglilingkurang Payunir
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Ang Patuloy na Pagsulong ay Humihiling na Gawing Payak ang mga Pamamaraan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 2/1 p. 21

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

‘Hinog na ang Aanihin’ sa Burma

◻ ANG magandang lupain ng Burma ay mayroong mahigit na 1,500 mga mamamahayag ng mabuting balita. Ang kanilang kamakailang kombensiyon ay ginanap sa mga wikang Burmese, Lushai, at Haka Chin, at may dumalong kabuuang 2,273. Ang sumusunod na karanasan ay nagsisiwalat ng interes ng tulad-tupang mga tao sa balita ng Kaharian at idiniriin ang pangitain na nakita ni Juan: “Ang aanihin sa lupa ay hinog na hinog na.”​—Apocalipsis 14:15.

Nangyari Ito sa Dinam

◻ Samantalang nagbabahay-bahay sa Matupi, isang espesyal payunir ang nakatagpo ng isang estudyante na lalong higit na interesado sa pagkaalam ng tungkol sa impiyerno. Nang ipaliwanag sa kaniya na ayon sa Bibliya ang impiyerno ay yaong karaniwang libingan ng sangkatauhan, siya’y takang-taka. Hindi siya kontentong siya lamang ang makaalam niyaon kundi ibig niyang ibalita iyon sa kaniyang mga kamag-anak na naroon sa kaniyang nayon ng Dinam. Sa panahong walang pasok sa paaralan, siya’y bumabalik sa kaniyang nayon at pinalalaganap doon ang katotohanan tungkol sa impiyerno. Ang kaniyang bayaw ay lubhang interesado sa pagkaalam nang higit pa, kaya’t sumama sa estudyante ang bayaw na ito nang bumalik sa Matupi upang siya ang makipag-usap sa payunir mismo. Siya’y dumuon nang mga ilang linggo sa Matupi at nakipag-aral sa payunir. Nang malaunan, sa kaniyang ikalawang pagbisita sa Matupi, kaniyang iginiit na dalawin ng mga payunir ang kaniyang nayon, sapagkat, aniya, maraming taong interesado roon. Lahat ng tatlong payunir ay malugod na nagpaunlak sa paanyaya. Sila’y gumugol ng 12 mahahabang oras upang makarating sa Dinam.

May isang libing sa Dinam nang araw na dumating doon ang mga payunir, at mga tao buhat sa karatig nayon ay naroon din upang makinig nang higit pa tungkol sa impiyernong ito na tinutukoy sa Bibliya. Sila’y pawang nagmamadaling dumating upang makipagkita sa mga bisita. Nagkaroon ng talakayan sa Bibliya na tumagal mula ika-7:00 n.g. hanggang ika-11:00 n.g. Isang maunawaing tao na nasa pulutong na iyon ang nagpahinto sa pagtatalakayang iyon sa ganap na ika-11:00 n.g., kung kaya’t ang mga payunir ay nakapagpahinga nang kaunti para sa susunod na araw. Kinaumagahan, sila’y nagsimula ng pakikipagtalakayan sa Bibliya ng mga ikapito at nagpatuloy hanggang ikasampu ng gabi, may sanda-sandaling paghinto para sila’y kumain. Nang lisanin ng mga payunir ang nayon, ang tulad-tupang mga tao ay humiling na sila’y magbalik at gumugol ng higit pang panahon sa pagpapaliwanag sa kanila. Anong laking pribilehiyo na tulungan ang gayong mga taong natuturuan ng mahalagang mabuting balita ng Kaharian. Oo, ‘hinog na’ sa Burma ang pag-aani!

Nakuha ang Katotohanan Buhat sa Isang Itinapong Aklat

◻ Isang lalaking taga-Burma ang dumadalaw sa kaniyang kaibigan na nagbebenta ng matatandang aklat at mga pahayagan na patapon na at kaniyang nakita roon ang isang matandang aklat na walang pabalat kasama ng mga bagay na patapon na. Kaniyang dinampot iyon at sinimulang basahin. Hindi nagtagal at siya’y bigay na bigay ng pagbabasa niyaon. Nagkataon na iyon ay ang aklat ng Watch Tower Society na Pakikinig sa Dakilang Guro. Siya’y sumulat sa tanggapang sangay ng Samahan upang kumuha ng higit pang mga aklat. Agad namang nagpadala ang tanggapang sangay ng isang payunir upang dumalaw sa kaniya. Isang pag-aaral ang pinasimulan sa kaniya, at pagkaraan lamang ng mga ilang pag-aaral, kaniyang nakilala ang taginting ng katotohanan at sinimulang linisin sa kaniyang buhay ang masasamang asal at nang malaunan ay kaniyang inalis na ang kaniyang mga diyus-diyusan sa Hinduismo. Hindi nagtagal, siya at ang kaniyang anak na babaing panganay ay nag-alay ng kanilang sarili kay Jehova at nabautismuhan. Ngayon siya ay isang regular payunir.

Tunay nga, “ang aanihin ay malaki, ngunit kakaunti ang mga manggagawa” sa mabungang bukid ng Burma.​—Mateo 9:37, 38.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share