Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 7/1 p. 31
  • Sila’y Nagtiwala kay Jehova

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sila’y Nagtiwala kay Jehova
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Bahagi 4—Mga Saksi Hanggang sa Kadulu-duluhang Bahagi ng Lupa
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Kay Jehova Ka Magtiwala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Makapaglilingkod Ka Ba kay Jehova Bilang Isang Payunir?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 7/1 p. 31

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Sila’y Nagtiwala kay Jehova

ANG mga Saksi ni Jehova ay inuutusan ni Jehova na mangaral ng mabuting balita ng Kaharian sa buong sanlibutan upang ang mga tao ng lahat ng bansa ay magkaroon ng pagkakataon na makaalam ng tungkol sa bagong sanlibutan ng Diyos. Sa ilang bansa, malimit na sa sulsol ng klero ng Sangkakristiyanuhan, ang ating gawain ay hinihigpitan. Ganiyan ang pangyayari sa isang bansa sa Africa. Subalit ang mga Saksi ni Jehova roon ay gumagawa ng gaya ng ginawa ni Haring David. Sinabi niya: “Sa Diyos ko inilagak ang aking tiwala. Hindi ako matatakot.” (Awit 56:11) Ang mga karanasan ng ating mga kapatid sa lupaing iyan ay nagpapakita na sila’y nagtitiwala kay Jehova at nagpapatuloy sa kaniyang mahalagang gawain.

Isang Saksi na nagtatrabaho bilang pinaka-prinsipal sa isang paaralan ang nagpilit na sundin “ang Diyos bilang pinuno bago ang mga tao,” at ipinahayag ang kaniyang pagkawalang kinikilingan kung tungkol sa mga pamamalakad ng Estado. (Gawa 5:29) Siya’y ginulpi nang husto at inasahan na siya’y hahatulan na isang traidor. Lahat doon ay may paniwala na siya’y papatayin. Gayunman, ang Saksi ay nagtiwala kay Jehova. Siya’y nanatiling tapat at ipinaliwanag ang mga dahilan ng kaniyang budhi para sa paninindigan niya. Ang resulta? Siya’y pinawalang-sala at ibinalik sa kaniyang sariling bayan, na kung saan ang bumugbog sa kaniyang mga kinatawan ng Estado ay humingi ng paumanhin. Ang tapat na Saksing ito ay tinanggap-muli sa pagtuturo at tumanggap ng promosyon sa posisyon na inspektor ng mga paaralan!

Isang Saksing guro ang pinaalis ng coordinator ng isang paaralan. Makalipas ang isang buwan ang coordinator na ito ay tumanggap sa isang special pioneer ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa at pumayag na siya’y aralan ng Bibliya. Pagkatapos na mapag-aralan ang kabanata 6, siya’y nagbitiw bilang coordinator ng paaralan, at siya at ang kaniyang maybahay ay nagsimulang dumalo sa lahat ng mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Isang Linggo ng umaga ang pinaalis na guro ay medyo namangha nang makilala niya ang taong nagpaalis sa kaniya at mapag-alaman niya na siya ay nasa daan na ng pagiging isang espirituwal na kapatid.

Isa pang karanasan buhat sa bansa ring ito ang nagpapakita kung papaano itinuturo ng mga Saksi ni Jehova ang paggalang sa mga kaayusan ni Jehova at sila’y gumagawa upang panatilihing malinis ang organisasyon. Isang special pioneer na gumagawa sa nakabukod na teritoryo ang nakaranas ng malubhang pananalansang. Yamang siya’y galing sa ibang tribo at rehiyon, ang mga kaaway ng katotohanan ay may hangaring palayasin siya sa nayong iyon. Gayunman, itinawag-pansin ng punong-nayon ang kaniyang mabuting asal at ang kabutihang idinudulot ng kaniyang ministeryo at ayaw nito na payagang siya’y mapaalis doon. Napansin ng punò na magbuhat nang dumating ang special pioneer, ang mga mamamayan ay gumagalang sa nagpupunong mga maykapangyarihan sa pamamagitan ng pagbabayad ng kanilang buwis at pagtatrabaho sa daan ng komunidad minsan isang linggo.​—Roma 13:1, 7.

At pagkatapos, isang gabi isang Saksi ang nahuli sa akto ng pakikiapid sa isang babaing di-Saksi. Nagkaroon ng iskandalo, at ang special pioneer ay ipinatawag sa harap ng punò, na nagpamukha sa kaniya, na ang sabi: “Narito ang iyong kapatid na nahuli sa akto ng pakikiapid. Kayong mga Saksi ni Jehova ay walang ipinagkakaiba sa mga ibang relihiyon.” Gayunman, sinabi ng special pioneer: “Bagaman di-sakdal, kami ay naiiba sa mga ibang relihiyon sapagkat hindi namin ipinagkikibit-balikat ang kilos ng mga taong gumagawa ng malaking pagkakasala.”

Ang Saksi na nagkasala ng pakikiapid ay napabilanggo at nagbayad ng multa. Gayundin, siya’y itiniwalag sa kongregasyon bilang isang nagkasala na hindi nagsisi. Ang gayong ginawa ay hinangaan ng punò at napasara ang mga bibig ng mga tumutuya sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi ng punò: “Huwag kayong magsasalita nang masama tungkol sa mga Saksi ni Jehova. Nasa kanila ang katotohanan. Ang ganiyang pagtitiwalag ay hindi ginagawa ng ibang relihiyon.”

Ang tapat na mga Saksi sa bansang iyan ay sumusunod sa payo ng Awit 37:3: “Tumiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupa, at makitungo ka sa pagtatapat.” Tayo ba’y magtitiwala kay Jehova na gaya ng ginagawa ng mga Kristiyanong ito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share