Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 9/1 p. 9
  • Sila’y Kumbinsido sa Kathmandu

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sila’y Kumbinsido sa Kathmandu
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Ito’y Nagsimula sa Kathmandu
    Gumising!—1988
  • “Naantig Kami sa Kanilang Pag-ibig”
    Gumising!—2017
  • Teokratikong mga Balita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
  • “Ang Lungsod na May Tunay na mga Pundasyon”
    Gumising!—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 9/1 p. 9

Report ng mga Tagapagbalita ng Kaharian

Sila’y Kumbinsido sa Kathmandu

ISANG pintor na babae ang nagsimulang maghanap ng katotohanan sa Brittany, Pransiya, noong 1980. Siya’y nakipagtalakayan sa mga Pentecostal at nag-aral ng Silanganing relihiyon​—nang hindi nasiyahan. Pagkatapos ay nagkaroon siya ng ilang pakikipag-usap sa isa sa mga Saksi ni Jehova ngunit hindi nagtagal at huminto. Kaniyang nakilala ang isang pintor na lalaki at nagtrabaho na kasama niya at nakipisan na sa kaniya.

Hindi nagtagal pagkatapos nito ang dalawang nagsasama nang hindi kasal ay nagpasiya na dumalaw sa Nepal. Sila’y lubhang humanga sa kagandahan at kapayapaan ng lupaing iyon ngunit hindi sila nasiyahan sa sistema ng caste, na waring mapang-api sa tingin nila bilang mga taga-Kanluran.

Nang bumalik sa Pransiya, iminungkahi ng babae sa kaniyang kinakasama na sila’y magkasamang mag-aral ng Bibliya, at sa laki ng pagtataka ng babae ay sumang-ayon ang lalaki. Sila’y nakipag-alam sa Saksi na nakausap ng babae dalawang taon na noon ang lumipas. Sa pasimula wala silang ginamit kundi ang Bibliya, subalit nang bandang huli sila’y nagkasundo na gamitin ang aklat na Ang Katotohanan na Umaakay Patungo sa Buhay na Walang-Hanggan at pagkatapos ay ang aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Hindi natapos ang isang taon at kanilang iniwan na ang paggamit ng mga droga.

Pagkatapos na muling dumalaw sa Nepal nang may dalawang buwan, ang dalawa ay bumalik sa Pransiya at sila’y nagpatuloy ng pag-aaral. Pinutol na nila ang paninigarilyo at ang pagpunta sa mga bar at mga nightclub at nagsimulang dumalo sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova. Gayunman, nang kanilang matapos ang aklat na Mabuhay Magpakailanman, minabuti nila na huminto ng pakikipag-aral.

Sila’y muling naparoon sa Nepal, na kung saan sila’y tumira sa isang munting bahay sa may paanan ng Kabundukang Himalaya. Isang araw isang lalaking may-edad na, na nakaamerikana at de kurbata, ang tumuktok sa kanilang pintuan. Ang babae ay nag-iisa sa bahay, at ang akala niya ang lalaki’y isang mámimili ng mga ipinintang larawan na pumunta roon upang tingnan ang kanilang mga painting. Sa ipinagtaka ng babae ito pala’y isang Saksi na dumadalaw sa pakiusap ng taong nakipag-aral sa kanila sa Pransiya. Hindi nagluwat at dumating naman ang lalaking kinakasama ng babae, at sila’y nagkaroon ng dalawang-oras na talakayan.

Mga ilang araw ang nakalipas, ang dalawa ay dumalo sa isang pulong ng mga Saksi ni Jehova sa Kathmandu at sila’y totoong humanga sa malinis na hitsura ng mga nagsidalo. Kanilang nasaksihan ang gayunding pag-ibig pangkapatiran at kaligayahan na kanilang nakita sa mga pulong sa Pransiya. Kanila ring napansin ang pagkakaisa ng mga Nepales na naroon, bagaman ang mga ito ay galing sa iba’t ibang caste. Ngayon sila’y kumbinsido na ito na nga ang organisasyon ni Jehova.

Isang buwan ang nakalipas sila’y bumalik sa Pransiya at karaka-raka muling nagpatuloy sa kanilang pag-aaral ng Bibliya at pagdalo sa mga pulong. Sila’y nagpakasal, nagsimulang makibahagi sa pagpapatotoo, at sa wakas ay nabautismuhan. Ang asawang lalaki ay isa na ngayong ministeryal na lingkod, at ang kaniyang asawa naman ay palagiang nakikibahagi sa pag-a-auxiliary payunir. Oo, yaong mga may matuwid na kalagayan ng puso ay tutulungan ng espiritu ni Jehova upang sumulong at maging kaniyang mga mananamba.​—Apocalipsis 7:15-17.

[Kahon/Mapa sa pahina 9]

NEPAL

Populasyon - 17,712,221

1990 Pinakamaraming Mamamahayag - 63

Katumbasan,1 mamamahayag sa - 281,146

Katamtamang Bilang ng Payunir na Mamamahayag - 10

Bilang ng Kongregasyon - 1

Katamtamang Bilang ng mga Pag-aaral sa Bibliya - 107

Bilang ng Dumalo sa Memoryal - 220

[Mapa]

[Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon]

NEPAL

INDIA

[Larawan sa pahina 9]

Sa palengke ng Kathmandu, Nepal

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share