Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 10/15 p. 31
  • Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Kaparehong Materyal
  • Kaloob Mula sa Diyos
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Kaloob ba na mga Wika ay Bahagi ng Tunay na Pagka-Kristiyano?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1996
  • Ginagabayan ng Espiritu ng Diyos—Noong Unang Siglo at Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 10/15 p. 31

Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa

Ang pananalitang “pinagkalooban ng espiritu,” na nasa 1 Corinto 14:37, ay nangangahulugan ba na ang isang tao’y tumanggap ng banal na espiritu ayon sa diwa na siya’y pinahiran, o ibig bang sabihin na siya’y may kahima-himalang kaloob buhat sa espiritu?

Sa New World Translation of the Holy Scriptures, ang talatang ito ay kababasahan: “Kung iniisip ninuman na siya’y propeta o pinagkalooban ng espiritu, kilalanin niya ang mga bagay na sa inyo’y isinulat ko, sapagkat ang mga ito ay pawang utos ng Panginoon.”​—1 Corinto 14:37.

Ang pariralang “pinagkalooban ng espiritu” ay maaaring ipangahulugan ng isang mambabasa na tumutukoy sa bagay na ang mga Kristiyano noong unang siglo ay inianak sa espiritu at naging espirituwal na mga anak ng Diyos. O ang parirala ay maaaring unawain na kumakapit sa isa na tumanggap ng natatanging kaloob ng banal na espiritu. Ang huling kahulugang ito ang malamang na tinutukoy, sapagkat tumutulong ang kasaysayan upang ipakita ang gayon.

Si apostol Pablo ay gumamit dito ng salitang Griego na pneu·ma·ti·kosʹ, na may saligang diwa na “tumutukoy sa espiritu, espirituwal.” Ang mga anyo nito ay ginagamit sa mga pagtukoy na “espirituwal na katawan,” “espirituwal na pagpapala,” “espirituwal na pag-unawa,” at “espirituwal na bahay.”​—1 Corinto 15:44; Efeso 1:3; Colosas 1:9; 1 Pedro 2:5.

Sa mga kasong iyon, itinatadhana ng Bibliya ang simuno (katawan, pagpapala, pag-unawa, bahay) na tinutukoy ng “espirituwal.” Subalit sa ibang mga kaso, ang diwa at angkop na pagkasalin ng “espirituwal” ay dapat tiyakin buhat sa konteksto. Halimbawa, sa 1 Corinto 2:14, 15 ay ipinakikita ang pagkakaiba ng saloobin ng isang pisikal na tao at ng ho pneu·ma·ti·kosʹ, na makatuwirang nangangahulugang “ang espirituwal na tao.”

Ang 1 Corinto kabanata 12 hanggang 14 ay nakatutok sa kahima-himalang mga kaloob ng banal na espiritu. Ang mga ito ay ibinigay ng Diyos sa ilang sinaunang Kristiyano upang ipakita na hindi na niya ginagamit ang likas na Israel kundi ngayon ay pinagpapala ang Kristiyanong “Israel ng Diyos.” (Galacia 6:16) Tungkol sa mga kaloob na ito, si Pablo ay sumulat: “Ngayon ay may sari-saring kaloob, ngunit may iisang espiritu.” (1 Corinto 12:4) Ang natatanging karunungan, kaalaman, at pananampalataya ay kabilang sa mga kaloob ng espiritu, gaya rin ng panghuhula, pagsasalita ng mga wika, at ng interpretasyon ng mga wika.​—1 Corinto 12:8-11.

Ang mga Kristiyano sa Corinto na sinulatan ni Pablo ay pinahiran ng banal na espiritu ng Diyos. Sinabi ni Pablo: “Ngunit kayo’y nahugasan nang malinis, ngunit kayo’y binanal na, ngunit kayo’y inaring-matuwid na sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at taglay ang espiritu ng ating Diyos.” (1 Corinto 6:11; 12:13) Oo, lahat ay tumanggap ng “tanda ng bagay na darating, samakatuwid nga, ang espiritu.” (2 Corinto 5:5) Gayunman, hindi lahat sa kanila ay tumanggap ng isang pantanging kaloob sa pamamagitan ng banal na espiritu. At waring marami ang nabighani ng pagsasalita ng mga wika, anupat binigyan ng labis-labis na kahalagahan ang kaloob na ito. Si Pablo ay sumulat upang ituwid ang kanilang kaisipan at binanggit niya na ang mga wika ay hindi pakikinabangan ng maraming tao na gaya ng kaloob na panghuhula. Sa katapusan ng kabanata 12, pinayuhan ni Pablo ang mga taga-Corinto: “Patuloy ninyong hanapin nang buong sikap ang lalong dakilang mga kaloob.”​—1 Corinto 12:28-31.

Pagkatapos, sa pasimula ng kabanata 14, kaniyang ipinayo: “Sundin ninyo ang pag-ibig, gayunma’y patuloy ninyong hanapin nang buong sikap [ta pneu·ma·ti·kaʹ], ngunit lalo na ang kayo’y makapanghula.” Paghanap ng ano? Hindi na kailangan ng mga Kristiyanong iyon na hanapin ang pagpapahid ng espiritu, sapagkat mayroon na nga sila niyaon. Makatuwirang ang ibig sabihin ni Pablo ay “mga kaloob” ng espiritu, na, sa katapusan ng kabanata 12, kaniyang ipinayo na hanapin nila. Sa gayon, isinalin ng New World Translation of the Holy Scriptures ang 1 Corinto 14:1: “Patuloy ninyong hanapin nang buong sikap ang espirituwal na mga kaloob.” Ang pagkasalin sa ta pneu·ma·ti·kaʹ ng ibang mga bersiyon ng Bibliya ay “espirituwal na mga kaloob” o “ang mga kaloob ng espiritu.”

Sa tulong ng ganiyang kasaysayan, mapapansin natin na malapit sa katapusan ng kabanata 14, pinag-uugnay ni Pablo ang panghuhula at ang pneu·ma·ti·kosʹ. Tulad sa talatang 1, ang konteksto ay nagpapahiwatig na ang ibig niyang tukuyin ay ang pagkakaloob sa isa ng espiritu. Sa New Testament in Modern Speech, ni R. F. Weymouth, ang sinunod ay ang pagkasalin na: “Kung itinuturing ng sinuman na siya’y isang propeta o isang taong may espirituwal na mga kaloob, kilalanin niya bilang utos ng Panginoon ang ngayon ay isinusulat ko.”

Oo, lahat ng Kristiyano, mayroon man sila ng kaloob ng panghuhula o anumang ibang kaloob ng espiritu, ay kailangang tanggapin at sundin ang payo na isinulat ni Pablo tungkol sa kung papaano dapat maganap ang mga bagay sa kongregasyon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share