Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 9/15 p. 25-26
  • Ang Pinagmumulan ng Maaasahang Lakas ng Loob

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinagmumulan ng Maaasahang Lakas ng Loob
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Aral Para sa mga Kristiyano
  • Isang Relihiyon ang Mananatili
    Gumising!—1996
  • Maglakasloob!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Bigyan Mo Ako ng Lakas ng Loob
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • ‘Magpakalakas-Loob Ka at Lubhang Magpakatibay’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 9/15 p. 25-26

Ang Pinagmumulan ng Maaasahang Lakas ng Loob

“ISANG sumasagitsit na tunog ang biglang nagpahinto sa amin. Pagkatapos, buhat sa palumpong sa aming gawing kaliwa, dalawang ibong nakabuka ang mga pakpak ang tumakbong papalapit sa amin. Sa harap namin, naroon sa isang maliit na hukay ang dalawang itlog. Humadlang ang ibon upang hindi namin mayapakan ang kanilang pugad. Tuwing sisikapin naming lumapit at kunan ng larawan ang magagandang itlog na may mga batik na kulay kayumanggi, inuulit ng mga ibon ang kanilang pagbabanta. ‘Anong lakas ng loob,’ ang naisip namin.”

Iyan ang karanasan ng apat na adulto sa paglapit sa pugad ng isang batik-batik na dikkop. Isang mas maliit na ibon ang blacksmith plover. Sa aklat na Everyone’s Guide to South African Birds, ganito ang paliwanag ng mga ornitologong sina Sinclair at Mendelsohn: “Ang nangingitlog na mga pares ay puspusang nagbabantay ng kanilang mga pugad at mga inakay at nagiging lubhang agresibo sa paglapit ng sinumang manghihimasok. Sila’y hindi natatakot sa laki ng nanghihimasok at sila’y lumilipad paitaas kasabay ng marahas na paghuni, walang-takot ang pagsisid kahit sa mga taong naroon sa pagtatangkang palayuin sila.”

Ang ilan ay nagmasid sa malalaking elepante na di-sinasadyang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng pugad ng isang blacksmith plover, anupat pinangyari lamang nito ang pagbabanta ng ibon. Karaniwan namang napahihinuhod ang mga elepante sa pamamagitan ng pagbaling sa ibang direksiyon.

Saan kaya nakukuha ng mga ibon ang gayong malinaw na lakas ng loob? Iyon ay nanggagaling sa Isa na lumalang sa kanila. Sinangkapan ng Diyos na Jehova ng mga katutubong mekanismo ang maliliit na nilalang na ito upang ang mas malalaking hayop ay mahadlangan sa pamiminsala sa kanilang mga pugad o mga inakay.

Isang Aral Para sa mga Kristiyano

May matututuhang aral buhat dito ang mga Kristiyano, bagaman ibig nila ng higit pa kaysa katutubong lakas ng loob. Sila ay hinihiling na tumulad sa kanilang Panginoon, si Jesu-Kristo, na walang-takot na sumunod sa mga utos ng Diyos. (Hebreo 12:1-3) Hinahatulan ng Bibliya yaong mga duwag na umuurong sa paglilingkod sa Diyos. (Hebreo 10:39; Apocalipsis 21:8) Kasabay nito, nauunawaan ni Jehova ang ating di-sakdal na kayarian at nalalaman na kung minsan tayo ay nagkakasala o walang lakas ng loob na kailangan upang gawin nang lubusan ang kaniyang kalooban. (Awit 103:12-14) Ano ang magagawa ng isang tao kung inaakay siya ng takot upang huminto sa paggawa ng tama?

Ang isang Kristiyano ay kailangang bumaling sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin ukol sa lakas na harapin ang mga pagsubok at patuloy na gawin ang kalooban ng Diyos. Nasa Bibliya ang ganitong maaasahang pangako ng pagtulong ni Jehova: “Siya’y nagbibigay ng lakas sa mahihina; at sa isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya ang lubos na kapangyarihan. Ang mga batang lalaki ay manghihina at mapapagod, at ang mga kabataang lalaki ay tiyak na mabubuwal, ngunit manunumbalik ang lakas niyaong mga umaasa kay Jehova. Sila’y paiilanlang na may mga pakpak na parang mga agila. Sila’y magsisitakbo at hindi manghihina; sila’y magsisilakad at hindi mapapagod.” (Isaias 40:29-31) Maraming di-sakdal na mga tao ang nakararanas ng katotohanan ng mga salitang ito at ‘mula sa mahinang kalagayan ay nagawang makapangyarihan.’ (Hebreo 11:34) Isang mabuting halimbawa ang Kristiyanong apostol na si Pablo, na sumulat: “Ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin at nagbigay ng kapangyarihan sa akin, upang sa pamamagitan ko ay magampanan nang lubusan ang pangangaral at marinig ito ng lahat ng mga bansa.”​—2 Timoteo 4:17.

Maging ang mga taong bago pa lamang interesado na ibig maging mga tagasunod ni Jesu-Kristo ay makararanas ng gayong nagpapalakas na tulong. Isaalang-alang ang isang lalaki sa Timog Aprika na nagngangalang Henry, na siyang ingat-yaman ng kaniyang simbahan at nakatira sa katabing-bahay ng kaniyang pastor. Hinahanap ni Henry ang katotohanan. Sa kabila ng kaniyang kaugnayan sa simbahan, isang araw ay tinanggap niya ang alok na isang libreng pantahanang pag-aaral ng Bibliya kasama ng mga Saksi ni Jehova. Pagsapit ng panahon, ipinahayag niya ang pagnanais na maging isang Saksi at itinanong kung anong mga hakbang ang dapat niyang kunin upang maabot ang tunguhing iyan. Ipinaliwanag sa kaniya na kailangan muna niyang magbitiw mula sa kaniyang simbahan. (Apocalipsis 18:4) Yamang ang pastor ay kaniyang kapitbahay at kaibigan, nadama ni Henry na hindi maaaring basta sumulat na lamang siya ng isang liham ng pagbibitiw kundi nangangailangang ipaliwanag ang bagay na iyon nang harapan. Lakas-loob na ginawa niya ito.

Nabigla ang pastor at nang maglaon ay ipinagsama ang moderator at ang iba pang miyembro ng simbahan upang dalawin si Henry. Ibig nilang malaman kung bakit niya iniwan ang simbahan upang maging isang miyembro ng isang relihiyon na, ayon sa kanila, hindi nagtataglay ng banal na espiritu ng Diyos. “Sa simula, ako’y natatakot na sumagot sa kanila,” ang paliwanag ni Henry, “sapagkat sa tuwina ay nagkaroon sila ng malaking impluwensiya sa akin. Subalit nanalangin ako kay Jehova upang humingi ng tulong, at pinangyari niya na maipahayag ko ang pagtatanggol na ito: ‘Sa lahat ng internasyonal ng mga relihiyon, alin lamang ang gumagamit ng pangalan ng Diyos, na Jehova? Hindi ba ang mga Saksi ni Jehova? Inaakala ba ninyo na pahihintulutan sila ng Diyos na magdala ng kaniyang pangalan at hindi rin pagkalooban sila ng kaniyang banal na espiritu?’ ” Hindi nagawang pabulaanan ng mga opisyal ng simbahan ang gayong pangangatuwiran. Palibhasa’y napasasalamat sa kaalaman at lakas na inilalaan ng Diyos, si Henry ngayon ay lakas-loob na nakikibahagi sa mga Saksi ni Jehova sa ministeryo sa bahay-bahay.

Oo, kailangan ang lakas ng loob sa pagiging isang tunay na Kristiyano. Habang papalapit na ang wakas ng sanlibutang ito, darami ang mga pagsubok sa pananampalataya. Ibig ni Satanas na alisin sa mga lingkod ng Diyos ang kanilang kamangha-manghang pag-asa ng buhay na walang-hanggan sa pamamagitan ng pagsira ng kanilang katapatan kay Jehova. (Ihambing ang Apocalipsis 2:10.) Subalit hindi tayo dapat sumuko. Kahit na magdusa tayo ng pansamantalang balakid dahil sa takot, matutulungan tayo ni Jehova upang makabangon. Patuloy na tumingin sa kaniya ukol sa lakas upang patuloy na magawa ang kaniyang kalooban. Tandaan, siya na lumalang sa walang-takot na mga ibon ang siyang Pinagmumulan ng maaasahang lakas ng loob. Oo, ang tunay na mga Kristiyano ay dapat na “magkaroon ng lakas ng loob at magsabi: ‘Si Jehova ang aking katulong; hindi ako matatakot. Ano ang magagawa ng tao sa akin?’”​—Hebreo 13:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share