Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w00 9/1 p. 31
  • Ginantimpalaan ang Matagal Nang Paghahanap

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ginantimpalaan ang Matagal Nang Paghahanap
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Kaparehong Materyal
  • Nakapagpapatibay sa Iba ang Kaniyang Pananampalataya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2006
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaligayahan ang Humalili sa Panlulumo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Desididong Mamuhay Ayon sa Pamantayang-Asal ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
w00 9/1 p. 31

Ginantimpalaan ang Matagal Nang Paghahanap

“JEHOVA? Sino si Jehova?” Nakita ng walong-taóng-gulang na si Silvia ang pangalan sa isang Bibliyang Armeniano, isang kayamanan ng pamilya na ipinakita sa kaniya ng isang batang babae. Nagtanung-tanong siya, subalit walang isa man sa Yerevan, Armenia, kung saan siya nakatira ang makapagsabi sa kaniya kung sino si Jehova​—kahit na ang kaniyang mga magulang, ni ang kaniyang mga guro, kahit na ang mga ministro sa lokal na simbahan.

Lumaki si Silvia, nagtapos sa pag-aaral, at nakapagtrabaho, subalit hindi pa rin niya nakikilala kung sino si Jehova. Bilang isang dalaga, kailangan niyang lumikas mula sa Armenia, at pagkaraan ng ilang panahon ay napunta siya sa Poland, na nakatira sa isang maliit na silid na kasama ng iba pang mga nagsilikas. Ang isa sa kaniyang mga kasama sa silid ay laging may mga bisita. “Sino ba ang mga bisita mo?” ang tanong ni Silvia. “Sila’y mga Saksi ni Jehova, na pumaparito upang turuan ako ng Bibliya,” ang naging tugon.

Lumukso sa tuwa ang puso ni Silvia nang marinig niya ang pangalang Jehova. Sa wakas, nalaman na rin niya kung sino si Jehova at kung gaano siya kamaibiging Diyos. Gayunman, di-nagtagal ay kailangan niyang umalis sa Poland. Humingi siya ng asylum o proteksiyon sa pamahalaan ng Denmark, sa ibayo ng Baltic Sea. Dala niya ang ilan lamang tinataglay, subalit kabilang dito ang literatura sa Bibliya na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. Sa pahina sa likod ng isang publikasyon, nasumpungan ni Silvia ang isang talaan ng mga direksiyon ng mga tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower. Iyan ang isa sa pinakamahalaga niyang tinataglay​—ang kaniyang mahalagang kaugnayan kay Jehova!

Sa Denmark, si Silvia ay dinala sa isang kampo para sa mga nagsilikas, at agad niyang hinanap ang mga Saksi ni Jehova. Mula sa kaniyang talaan ng mga direksiyon, alam niya na ang tanggapang pansangay ng Samahang Watch Tower sa Denmark ay nasa bayan ng Holbæk. Subalit saan ba iyon? Si Silvia ay inilipat sakay ng tren patungo sa ibang kampo, at patungo roon, ang tren ay nagdaan sa Holbæk! Muli, ang puso niya’y lumukso sa tuwa.

Isang mainit na araw hindi pa natatagalan, si Silvia ay sumakay ng tren pabalik sa Holbæk at naglakad mula sa istasyon ng tren hanggang sa tanggapang pansangay. Naaalaala niya: “Nang pumasok ako sa hardin, naupo ako sa isang bangko at nasabi ko sa aking sarili, ‘Ito’y paraiso!’ ” Masigla siyang tinanggap sa sangay at sa wakas ay nakapag-aral din siya ng Bibliya.

Subalit nasundan ito ng ilang mga paglipat. Mula sa iba’t ibang mga sentro para sa mga nagsilikas, kailangang hanapin ni Silvia ang mga Saksi ni Jehova at simulan nang paulit-ulit ang kaniyang pag-aaral sa Bibliya. Gayunman, pagkaraan ng dalawang taon, sapat na ang nalalaman niya upang ialay ang kaniyang buhay kay Jehova. Siya’y nabautismuhan at di-nagtagal pagkatapos niyan ay pumasok siya sa buong-panahong ministeryo. Noong 1998, pinagkalooban siya ng asylum ng mga awtoridad sa Denmark.

Si Silvia ngayon ay 26 anyos na at naglilingkod sa dakong nagpapagunita sa kaniya ng paraiso, ang tanggapang pansangay ng mga Saksi ni Jehova sa Denmark. “Ano ang masasabi ko?” aniya. “Hinanap ko si Jehova mula nang ako’y batang paslit. Ngayo’y nasumpungan ko na siya. Pinangarap kong gugulin ang buhay ko sa paglilingkod sa kaniya, at narito ako ngayon sa Bethel. Dalangin ko na ito ang magiging tahanan ko sa maraming taóng darating!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share