Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w13 2/1 p. 3
  • Sino si Moises?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino si Moises?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Moises
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Moises—Kung Paano Ka Naaapektuhan ng Kaniyang Buhay
    Gumising!—2004
  • Papaano Isang Propeta na Gaya ni Moises si Jesu-Kristo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Inaalam ang mga Daan ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2013
w13 2/1 p. 3

TAMPOK NA PAKSA: ANO ANG MATUTUTUHAN NATIN KAY MOISES?

Sino si Moises?

[Larawan sa pahina 3]

Ano ang naiisip mo kapag narinig mo ang pangalang Moises? Naiisip mo ba ang isang . . .

  • sanggol na itinago ng kaniyang ina sa isang basket sa Ilog Nilo?

  • batang pinalaki ng anak na babae ni Paraon sa karangyaan sa Ehipto pero hindi nakalimot na isa siyang Israelita?

  • taong namuhay bilang isang pastol sa Midian sa loob ng 40 taon?

  • taong nakipag-usap kay Jehovaa sa harap ng nagniningas na palumpong?

  • taong hindi natakot humarap sa hari ng Ehipto para sabihing palayain nito ang mga Israelita mula sa pagkaalipin?

  • taong sa utos ng Diyos ay naghayag ng Sampung Salot sa Ehipto nang magmatigas ang hari laban sa tunay na Diyos?

  • taong nanguna sa mga Israelita sa pag-alis mula sa Ehipto?

  • taong ginamit sa paghati sa Dagat na Pula?

  • taong nagbigay sa mga Israelita ng Sampung Utos ng Diyos?

ANG lahat ng iyan ay naranasan ni Moises. Kaya hindi kataka-takang gayon na lang ang paggalang ng mga Kristiyano, Judio, at mga Muslim sa tapat na taong ito!

Si Moises ay isang propeta na nagpakita ng mga bagay na “kasindak-sindak.” (Deuteronomio 34:10-12) Hinayaan niyang gamitin siya ng Diyos sa kamangha-manghang paraan. Pero si Moises ay isang ordinaryong tao lang. Gaya ni propeta Elias, si Moises ay isa ring taong “may damdaming tulad ng sa atin.” (Santiago 5:17) Naging problema rin ni Moises ang marami sa mga problemang napapaharap sa atin, at nakayanan niya ang mga iyon.

Gusto mo bang malaman kung paano niya nagawa iyon? Talakayin natin ang tatlong magagandang katangiang ipinakita ni Moises at kung ano ang matututuhan natin sa kaniyang halimbawa.

a Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share