Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w14 1/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Makakamit Pa Ba Natin ang Katarungan?
    Iba Pang Paksa
  • Kaya Mong Harapin ang Kawalang-Katarungan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Kikilos Pa Kaya ang Diyos Laban sa Kawalang-Katarungan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • “Makatarungan ang Diyos”
    Maging Malapít kay Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
w14 1/1 p. 16
Isang babae at ang kaniyang mga anak na nagdarahop

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Anong uri ng persona ang Diyos?

Ang Diyos ay isang di-nakikitang espiritung persona. Nilalang niya ang langit, lupa, at ang lahat ng nabubuhay na bagay. Walang lumalang sa Diyos—wala siyang pasimula. (Awit 90:2) Gusto ng Diyos na hanapin siya ng mga tao at alamin ang katotohanan tungkol sa kaniya.​—Basahin ang Gawa 17:24-27.

Ang Diyos ay isang persona na maaari nating makilala sa pangalan. Malalaman natin ang mga katangian niya sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay sa mga bagay na ginawa niya. (Roma 1:20) Pero upang higit na makilala ang Diyos, kailangan nating pag-aralan ang kaniyang Salita, ang Bibliya. Sinasabi nito sa atin ang maibiging personalidad ng Diyos.​—Basahin ang Awit 103:7-10.

Ano ang nadarama ng Diyos hinggil sa kawalang-katarungan?

Kinapopootan ng ating Maylalang na si Jehova ang kawalang-katarungan. (Deuteronomio 25:16) At nilalang niya ang tao ayon sa kaniyang larawan. Iyan ang dahilan kung bakit ang karamihan sa atin ay napopoot sa kawalang-katarungan. Hindi kagagawan ng Diyos ang kawalang-katarungang nakikita natin. Binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaang magpasiya. Pero ginagamit ng maraming tao ang kanilang kalayaang magpasiya sa maling paraan at nakikitungo nang walang katarungan. Nalungkot si Jehova.​—Basahin ang Genesis 6:5, 6; Deuteronomio 32:4, 5.

Si Jehova ay maibigin sa katarungan, at hindi niya pahihintulutan magpakailanman ang kawalang-katarungan. (Awit 37:28, 29) Nangangako ang Bibliya na malapit nang wakasan ng Diyos ang lahat ng kawalang-katarungan.​—Basahin ang 2 Pedro 3:7-9, 13.

Nangangako ang Bibliya na malapit nang pairalin ng Diyos ang katarungan para sa lahat

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 1 ng aklat na Ano ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Makukuha rin sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share