Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 4/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 4/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Ano ang magiging kinabukasan ng tao?

Isang pamilya na nagmamalasakit sa isang may-edad na babae na iba ang lahi

Paanong dahil sa kamatayan ni Jesus posibleng magkaroon ng isang lipunan kung saan ang mga tao ay nagmamalasakit sa isa’t isa?

Ang tao ay tiyak na patuloy na gagawa ng mga pagsulong sa siyensiya. Pero makagagawa kaya sila ng isang lipunan ng tao na talagang nagmamalasakit sa isa’t isa? Hindi. Sa ngayon, ang mga tao ay makasarili at sakim. Pero mas magandang kinabukasan ang gusto ng Diyos para sa tao.—Basahin ang 2 Pedro 3:13.

Inilalarawan ng Salita ng Diyos ang isang pandaigdig na lipunan sa hinaharap kung saan ang mga tao ay magmamahalan sa isa’t isa. Mamumuhay sila nang panatag, at walang sinumang mananakit sa kanila.—Basahin ang Mikas 4:3, 4.

Paano aalisin ang pagiging makasarili?

Nilalang ng Diyos ang tao na walang anumang hilig na maging makasarili. Pero nang piliin ng unang tao na sumuway sa Diyos, naiwala niya ang kaniyang kasakdalan. Namana natin sa kaniya ang hilig na maging makasarili. Pero gagamitin ng Diyos si Jesus upang ibalik ang tao sa kasakdalan.—Basahin ang Roma 7:21, 24, 25.

Kaayon ng kalooban ng Diyos, namatay si Jesus bilang hain at inalis ang epekto ng pagsuway ng unang tao. (Roma 5:19) Dahil sa ginawa ni Jesus, posible na ang isang kamangha-manghang kinabukasan kapag ang tao ay hindi na gagawa ng masama.—Basahin ang Awit 37:9-11.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 5 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share