Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w15 12/1 p. 16
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Mahalaga Pa Ba Kung Ano ang Totoo?
    Iba Pang Paksa
  • Ang mga Kristiyano ay Sumasamba sa Espiritu at Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Pagtulad sa Diyos ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Paano Tayo Makikinig sa Diyos?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
w15 12/1 p. 16

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

Posible ba nating malaman ang katotohanan tungkol sa Diyos?

Isang Saksi ni Jehova na nangangaral sa isang lalaki na nakaupo sa parke

Bakit gusto ng Diyos na malaman natin ang katotohanan? Basahin ang Juan 17:3

Ang Diyos ay nakikipag-usap sa mga tao. Ginamit niya ang kaniyang banal na espiritu, o aktibong puwersa, upang ilagay ang kaniyang kaisipan sa isip ng mga manunulat ng Bibliya. (2 Pedro 1:20, 21) Malalaman natin ang katotohanan tungkol sa Diyos kung babasahin natin ang Bibliya.—Basahin ang Juan 17:17; 2 Timoteo 3:16.

Sa Bibliya, isinisiwalat ng Diyos ang maraming bagay tungkol sa kaniya. Ipinaalam niya kung bakit niya nilalang ang tao, kung ano ang gagawin niya para sa mga tao, at kung anong buhay ang gusto niya para sa atin. (Gawa 17:24-27) Gusto ng Diyos na Jehova na malaman natin ang katotohanan tungkol sa kaniya.—Basahin ang 1 Timoteo 2:3, 4.

Bakit tinatanggap ng Diyos ang mga umiibig sa katotohanan?

Si Jehova ang Diyos ng katotohanan, at isinugo niya ang kaniyang Anak, si Jesus, para turuan ng katotohanan ang mga tao. Kaya naman ang mga umiibig sa katotohanan ay nakikinig kay Jesus. (Juan 18:37) Gusto ng Diyos na maging mananamba niya ang gayong mga tao.—Basahin ang Juan 4:23, 24.

Hinahadlangan ni Satanas na Diyablo ang maraming tao na makilala ang Diyos sa pamamagitan ng pagkakalat ng huwad na mga turo tungkol sa Diyos. (2 Corinto 4:3, 4) Ang mga taong hindi umiibig sa kabutihan ay naaakit sa gayong huwad na mga turo. (Roma 1:25) Pero milyon-milyong taimtim na mga tao ang nakaaalam ng katotohanan tungkol sa Diyos dahil sa pag-aaral ng Bibliya.—Basahin ang Gawa 17:11.

Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 1 ng aklat na Ano Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova

Available din sa www.jw.org/tl

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share