Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp16 Blg. 1 p. 3
  • Katapatan—Hindi Na Ba Uso?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Katapatan—Hindi Na Ba Uso?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Bakit Sulit na Maging Tapat
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Ano ang May Tunay na Halaga?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
  • Dapat ba Akong Pabautismo?
    Gumising!—1990
  • Isang Aklat ng Karunungan na may Mensahe sa Ngayon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
wp16 Blg. 1 p. 3
Isang employer na dinuduro ang kaniyang empleado

TAMPOK NA PAKSA | BAKIT DAPAT MAGING TAPAT?

Katapatan—Hindi Na Ba Uso?

Si Hitoshi ay nagtrabaho sa accounting office ng isang agency sa Japan. Habang pinag-aaralan ang isang financial account kasama ng kaniyang boss, sinabi ng boss ni Hitoshi na inaasahan nitong dodoktorin niya ang report. Ipinaliwanag ni Hitoshi na hindi maaatim ng kaniyang budhi na mandaya. Bunga nito, pinagbantaan si Hitoshi ng kaniyang boss na sesesantehin, at nang dakong huli, natanggal nga siya sa trabaho.

Nang sumunod na mga buwan, nasiraan ng loob si Hitoshi habang naghahanap ng trabaho. Minsan, sa isang interbyu sa trabaho, binanggit ni Hitoshi na hindi niya kayang mandaya. Sumagot ang nag-iinterbyu, “Kakaiba naman ang pananaw mo!” Pinatibay-loob ng mga kapamilya at kaibigan si Hitoshi na manindigan sa pagiging tapat, pero nagkaroon pa rin siya ng pag-aalinlangan. Halimbawa, nasabi niya, “Tama kayang nanindigan ako sa aking paniniwala?”

Pinatutunayan ng karanasan ni Hitoshi na hindi lahat ay nagpapahalaga sa katapatan. Sa katunayan, isa pa nga itong kalugihan para sa ilan, lalo na sa negosyo. “Napalilibutan ako ng mga taong di-tapat,” ang sabi ng isang babaeng nagtatrabaho sa South Africa, “at kung minsan, matindi ang panggigipit na maging gaya nila.”

Ang isang anyo ng kawalang-katapatan na napakalaganap sa ngayon ay ang pagsisinungaling. Sa nakalipas na ilang taon, natuklasan sa isang pag-aaral na isinagawa ni Robert S. Feldman, isang sikologo sa University of Massachusetts Amherst, na 60 porsiyento ng mga adulto ang nagsisinungaling nang minsan sa 10-minutong pag-uusap. “Nakakagulat ito,” ang sabi ni Feldman. “Hindi namin inaasahan na sa araw-araw, magiging pangkaraniwan na lang sa buhay ng tao ang pagsisinungaling.” Hindi ba kakatwang isipin na galít na galít ang mga tao sa mga sinungaling, pero karamihan sa kanila ay nagsisinungaling din?

Bakit karaniwan na lang sa ngayon ang pagsisinungaling, pagnanakaw, at iba pang anyo ng kawalang-katapatan? Paano naaapektuhan ng kawalang-katapatan ang lipunan sa pangkalahatan? Mas mahalaga, paano natin maiiwasang masangkot sa di-tapat na mga gawain?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share