Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp17 Blg. 1 p. 5-6
  • Paano Ko Ito Mae-enjoy?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Ko Ito Mae-enjoy?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Serye ng mga Pahayag Pangmadla sa Bagong Aklat na Creation
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Mga Kabanata at Talata—Sino ang Naglagay Nito sa Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2016
  • Serye ng mga Pahayag Pangmadia sa Aklat na Worldwide Security
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Makinabang sa Araw-araw na Pagbabasa ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1995
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
wp17 Blg. 1 p. 5-6
Babaeng gumagamit ng mga pantulong sa pag-aaral habang nagbabasa ng Bibliya

TAMPOK NA PAKSA | MAG-ENJOY AT MAKINABANG SA PAGBABASA NG BIBLIYA

Paano Ko Ito Mae-enjoy?

Boring? Nakaka-enjoy? Ano ang pagbabasa ng Bibliya para sa iyo? Depende iyan sa paraan ng pagbabasa mo. Alamin kung ano ang magagawa mo para mas ma-enjoy mo ang pagbabasa ng Bibliya.

Pumili ng isang mapananaligang salin na gumamit ng makabagong wika. Kung ang binabasa mo ay gumamit ng maraming makalumang salita na hindi mo naiintindihan, malamang na hindi ka masisiyahan sa pagbabasa nito. Kaya humanap ng Bibliya na gumamit ng mga salitang madaling maunawaan at aantig sa iyong puso. Dapat na tumpak din ang pagkakasalin nito.a

Gamitin ang teknolohiya. Sa ngayon, ang Bibliya ay hindi lang makukuha sa inimprentang edisyon kundi available din ito sa digital format. May mga Bibliya na mababasa online o mada-download sa computer, tablet, o cellphone. May dagdag na feature ang ilang bersiyon ng Bibliya kung saan mabilis mong makikita ang ibang talata ng Bibliya sa kaparehong paksa o mapaghahambing mo ang iba’t ibang salin. Kung mas gusto mong makinig kaysa sa magbasa, mayroon ding audio recording ng Bibliya. Marami ang nasisiyahang makinig nito habang nagbibiyahe, naglalaba, o gumagawa ng iba pang gawaing puwedeng makinig ang isa. Bakit hindi mo subukang humanap ng paraang angkop para sa iyo?

Gumamit ng mga pantulong sa pag-aaral ng Bibliya. Makatutulong ang mga ito para mas makinabang ka sa pagbabasa. May mga mapa ng lupain sa Bibliya na tutulong sa iyo na maging pamilyar sa mga lugar na nababasa mo at maging malinaw sa isip ang mga eksena. May mga artikulo sa magasing ito o sa seksiyong “Turo ng Bibliya” sa jw.org/tl na makatutulong para lumalim ang kaalaman mo sa Bibliya.

Gumamit ng iba’t ibang paraan sa pagbabasa. Kung mahirap para sa iyo na basahin ang buong Bibliya, subukang simulan ang pagbabasa sa bahagi na gustong-gusto mo. Kung may tauhan sa Bibliya na gusto mong pag-aralan, puwede mo munang basahin ang lahat ng ulat sa Bibliya tungkol sa kaniya. May mga halimbawa sa kahon na “Pag-aralan ang Bibliya—Kilalanin ang mga Tauhan Nito” na puwede mong sundan. O baka gusto mong basahin ang Bibliya ayon sa paksa o ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Bakit hindi mo subukan ang isa sa mga ito?

a Napatunayan ng marami na ang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan ay tumpak, mapananaligan, at napakadaling maunawaan. Ang Bibliyang ito ay inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa mahigit 130 wika. Mada-download mo ito sa website na jw.org/tl. Puwede mo ring i-download ang app na JW Library. O kung gusto mo, isang Saksi ni Jehova ang maaaring magdala ng kopya nito sa inyong tahanan.

PAG-ARALAN ANG BIBLIYA—KILALANIN ANG MGA TAUHAN NITO

Ilang tapat na babae

Abigail

1 Samuel kabanata 25

Esther

Esther kabanata 2-5, 7-9

Hana

1 Samuel kabanata 1-2

Maria

(ina ni Jesus) Mateo kabanata 1-2; Lucas kabanata 1-2; tingnan din ang Juan 2:1-12; Gawa 1:12-14; 2:1-4

Rahab

Josue kabanata 2, 6; tingnan din ang Hebreo 11:30, 31; Santiago 2:24-26

Rebeka

Genesis kabanata 24-27

Sara

Genesis kabanata 17-18, 20-21, 23; tingnan din ang Hebreo 11:11; 1 Pedro 3:1-6

Ilang natatanging lalaki

Abraham

Genesis kabanata 11-24; tingnan din ang 25:1-11

David

1 Samuel kabanata 16-30; 2 Samuel kabanata 1-24; 1 Hari kabanata 1-2

Jesus

Ang mga Ebanghelyo nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan

Moises

Exodo kabanata 2-20, 24, 32-34; Bilang kabanata 11-17, 20, 21, 27, 31; Deuteronomio kabanata 34

Noe

Genesis kabanata 5-9

Pablo

Gawa kabanata 7-9, 13-28

Pedro

Mateo kabanata 4, 10, 14, 16-17, 26; Gawa kabanata 1-5, 8-12

MGA PANTULONG SA PAG-AARAL NG BIBLIYA NA GINAWA NG MGA SAKSI NI JEHOVA

  • JW.ORG—Maraming pantulong sa pag-aaral ang makikita sa website na ito, kasama na ang “Sagot sa mga Tanong sa Bibliya.” May impormasyon din kung paano mada-download ang app na JW Library

  • ‘Tingnan Mo ang Mabuting Lupain’—Ang brosyur na ito ay may mga mapa at larawan ng mga lugar na mababasa sa Bibliya

  • Kaunawaan sa Kasulatan—Ang ensayklopidiyang ito ng Bibliya na may dalawang tomo ay naglalaman ng mga paliwanag tungkol sa mga tao, lugar, at terminong mababasa sa Bibliya

  • “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”—Ipinaliliwanag ng aklat na ito kung kailan, saan, at bakit isinulat ang bawat aklat ng Bibliya. Mayroon itong sumaryo ng nilalaman ng bawat aklat ng Bibliya

  • Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?—Sinusuri ng maliit na aklat na ito, na pinag-aralang mabuti, ang mga ebidensiyang nagpapatunay na ang Bibliya ay Salita ng Diyos

  • Ang Bibliya—Ano ang Mensahe Nito?—Ang brosyur na ito na may 32 pahina ay naglalaman ng sumaryo ng kabuoang tema ng Bibliya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share